Ogie Diaz, kabado sa kanyang showbiz career

ADVERTISING

Ogie Diaz, kabado sa kanyang showbiz career

Ogie-DiazKABADO ANG kaibigang Ogie Diaz sa kahihinatnat ng kanyang showbiz career sa pagsisimula ng pelikulang Maybe This Time sa Miyerkules. Ito kasi ang biggest break niya sa entire career niya mula nang pasukin niya ang showbiz bilang isang performer or artista.

Sa pelikulang pagsasamahan nina Sarah Geronimo at Coco Martin, feeling niya nasa lead role na rin siya dahil halos every scenes ng dalawa ay kasama siya. Magiging sa halaga ng role ay mabigat ang papel niya bilang ka-chummy ni Tonio played by Coco. Si Ogie kasi ang may kagustuhan na magkatuluyan sina Coco at Sarah sa pelikula at hindi si Ruffa Gutierrez who plays the role of a kontrabida sa “romance” ng dalawang bida.

Tulad ng kuwento sa amin ni Ogie, siya lang at walang iba ang perfect sa role niya sa pelikula tulad ng sinasabi sa kanya ni Ms. Malou Santos ng Star Cinema at ni Direk Jerry Sineneng.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING
ADVERTISING