Ogie Alcasid, todo ang pagtatanggol kay Regine Velasques vs blind item

ADVERTISING

Ogie Alcasid, todo ang pagtatanggol kay Regine Velasques  vs blind itemOgie-Alcasid-Regine-Velasquez

IPINAGTANGGOL NI Ogie Alcasid ang asawang si Regine Velasques sa isang blind item na lumabas na diumano’y nagre-request ang Asia’s Songbird na palitan ang isang singer na hindi niya gustong makasama sa concert. Sa presscon ni Ogie para sa The Rising Stars ng TV5, kaagad niyang nilinaw ang isyu.

“Sa totoo lang, nabasa ko ‘yon… Pero hindi niya ugali ‘yon. Hindi magagawa ng asawa ko ‘yon. Hindi niya ‘yon magagawa… never!” mariing pahayag ng singer.

“Hindi ganu’n ang asawa ko. My wife is one of the easiest person to work with. She will sing with anyone. That’s why, kahit sino na nakasama niya sa number o sa concert niya, ni minsan ay hindi ‘yan nagreklamo. Ni minsan, hindi ‘yan nagsalita na, ‘ay ayoko.’

“She is not that kind of person. She’s the most giving… Nakita n’yo naman kung paano niya alagaan ‘yung mga bagets niya, ‘di ba — sina Jonalyn (Viray), Aicelle (Santos), Kyla? She’s the same to any person and she’s very nurturing.

ADVERTISING

“It’s sad that people will try to spread rumors that are like that, pero kung papatulan ko naman ‘yon, parang lalaki pa. Hindi naman totoo.”

Nabasa rin daw ni Regine ang naturang blind item at may naging reaksyon din siya tungkol dito.

“Siyempre nasaktan siya kasi hindi naman totoo ‘yon. But instead of explaining na nasaktan siya, alam ko, nagdasal na lang siya. Kasi sabi ko nga sa kanya, alam mo we’re only answerable to God. Kasi kapag hindi ka doon tumingin, maaapektuhan ka talaga niyan… Basta ang masasabi ko lang, hindi ganu’n ‘yung asawa ko,” pagdidiin pa ni Ogie.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING