Ogie Alcasid, tinupad ang pangakong tulong sa pamilya ng Falle 44

Ogie Alcasid, tinupad ang pangakong tulong sa pamilya ng Falle 44

Ogie-AlcasidTINUPAD NI Ogie Alcasid ang pangako na magbibigay siya ng tulong sa pamilya ng Fallen 44 na tinawag naman ng mga sikat na singers na Heroes 44.

Sinabi ni Ogie ang tulong kaugnay ng concert niya last February 20 sa Philippine Sports Arena na ang kikitain niya sa nasabing concert ay ido-donate niya sa pamilya ng Heroes 44.

Sa Facebook account, kasama ni Ogie ang pamilya ng apat na nasawing pulis. Ayon pa sa singer/composer/comedian dininig niya ang kuwento ng mga pamilya ng mga naiwan ng mga namatay.

Bukod sa pagdinig ay nag-offer din siya ng isang kanta at nagbigay rin ng kaunting tulong. Nanawagan din si Ogie sa kapwa atista at singer na magbigay rin ng tulong sa mga naulila ng Heroes 44.

Sa ginawa ni Ogie, pinatunayan lang niya na kapag nangako ay kanyang tinutupad. Kaya lang tila nakalimutan niya ang ipinangakong X-mas gift sa amin.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo