Ogie Alcasid, tinapatan ang time slot ng show ni Michael V

Ogie Alcasid, tinapatan ang time slot ng show ni Michael VNationwide auditions are still being held pa pala para sa nais lumahok sa “Born To Be a Star”.

On weekends this March and April ay sa iba’t ibang parte ng Southern Luzon dadalhin ang mga kikilatis for the succeeding batches of hopefuls.

Samantala, last Saturday ay nagpalit ng time slot ang BTBAS at “Tasya Fantasya”. Nauna kasing umere ang fantaserye ni Carlo J. Caparas, kaya ang nakatapat ng reality singing competition sa alas-otso ng gabi na time slot ay ang bagong programa ng GMA.

But what’s exciting, magkatapat ang mga respective hosts nitong sina Ogie Alcasid at Michael V. Hindi biro ang ilang taon ding pinagsamahan nina Ogie at Bitoy sa maraming palabas sa TV, kabilang na ang Bubble Gang.

Ang maganda lang sa show ngayon ni Ogie Alcasid, while he purely does hosting ay nasa sa loob naman niya ang kanyang sariling paghuhusga as to who shines the brightest among the star hopefuls.

SA PAGNANAIS ni Jingo na kumita nang mabilisan at maganda-ganda para mabawasan man lang ang pagkakautang niya sa biyenan, nagpanggap siya bilang anak na babae ng isang mayamang matanda. Sumama na rin sina Bobong, Lance at Dello, kung saan apat na milyong piso raw ang magiging pabuya.

Ano na ang kahahantungan ng pagpapanggap ng apat na lalake? Makuha kaya nila ang P4 million lalo na ngayong may sumulpot na naghahabol din ng mana ni Don Celio?

Ano naman ang gagawin ni Majay sa sikretong ito ni Jingo?

Samantala, tuloy pa rin ang pagpapalipad-hangin ni Nathan kay Yumi, habang napag-iiwanan si Ethan. Sino kaya ang mananalo sa mala-clash of the titans na ito?

Nagbiro naman si Lora kay Majay na may masamang pinaplano sina Lance sa kanya. Narinig ito ni Mama A.

Pagpapanggap ng apat, kapraningan ni Mama A, love triangle nina Ethan, Nathan at Yumi. ‘Yan ang dapat abangan  ngayong Linggo sa Ismol Family sa GMA7.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMabahong manukan!
Next articleKumpara kay Vivian Velez
Cristine Reyes, sumikat lang dahil sa pang-aaway at paninirang sa ateng si Ara Mina

No posts to display