Ogie Alcasid at Regine Velasques, ipinagdarasal ang pinagdaraanan nila Kris Aquino

Ogie Alcasid at Regine Velasques, ipinagdarasal ang pinagdaraanan nila Kris Aquino

Regine-Velasquez-Ogie-AlcasidHINDI PA rin matapus-tapos ‘tong kuwentoni Kris Aquino na mga in-unfolow daw sa Instagram account niya, saka later on na-follow naman.

Ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez nga ‘yun, ‘di ba?

Nakausap ng Startalk si Ogie sa General Assembly ng OPM nu’ng kamakalawa ng hapon at nilinaw niya ang isyung ‘yun.

Sabi niya, hindi naman daw siya aware na na-unfollow pala sila ni Regine ni Kris, dahil sa may ipinost sila kaugnay sa Fallen 44 sa kanilang Instagram account.

Ang sabi ni Ogie, sa Twitter lang daw niya nalaman kaya tinext daw niya si Kris na ipinagdarasal nila ito, dahil naintindihan nila kung ano ang pinagdaraanan nila.

Sumagot naman daw si Kris at nag-sorry kaya pinalagpas na nila ‘yun.

Kaya nag-follow uli si Kris sa kanilang mag-asawa. Nakakaloka, ‘di ba?

Kahapon naman ay nasa press launch ng Sine Asia ang Startalk at ang nag-host pala doon si Grace Lee.

Nadamay rin sa isyu si Grace dahil sa sinagot nito ang post ni Lea Navarro sa Twitter account na parang paninipsip kay PNoy.

Mas pinuri pa si Grace dahil mas ramdam pa nito ang mga Pinoy kesa kay Lea na kababayan pa naman natin.

Sabi naman ni Grace, ‘yun ang nararamdaman niya at pusong Pinoy naman daw talaga siya.

Lumalaki na ang isyung ito at kung anu-ano na ang mga kuwento sa follow-unfollow na isyu na ‘yan.

Pero nagpipiyesta pa rin ang mga netizens sa pagkomento sa isyung ito na paborito nilang magtalakan doon sa Instagram account ni Kris.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis