Ogie Alcasid, P1-B ang TF sa Singko!

ADVERTISING

Ogie Alcasid, P1-B ang TF sa Singko!

Ogie Alcasid, P1-B ang TF sa Singko!TUMATAGINTING NA isang bilyon din daw ang talent fee ni Ogie Alcasid sa TV 5.

ADVERTISING

So, hindi lang pala si Sharon Cuneta ang may hawak ng pinakamalaking talent fee ng isang celebrity.

Tiyak na hindi magsasalita si Ogie sa napabalitang one billion TF na makukuha niya sa loob ng limang taon.

Bilib kami kay Ogie. Meron pala siyang superstar appeal para bigyan siya ng napakalaking talent fee ng Singko.

ADVERTISING

Kung sabagay, talented naman itong si Ogie at marami siyang magagawa sa network ni Manny V. Pangilinan.

 

Rufa Mae Quinto, napaglipasan na

 

SAW THE sexy pictorial of Rufa Mae Quinto para sa latest movie niyang may pagka-action.

At nearly forty ay carry pa rin naman ni Rufa Mae na mag-pose nang sexy. Kaya lang ay halata na isa siyang malaking RETOKADA beauty.

Halatang-halata ang mga pinagawa niya sa kanyang katawan, all in the name of beauty and vanity.

She may be sexy, she may still have a whistle-bait figure but there is no denying the fact that she has aged na rin.

Nabasa namin ang interview niya recently at medyo naloka kami when she said na na-upgrade and na-update na ang level ng comedy niya.

Talaga lang, ‘te?

Medyo naloka kami because when we saw the trailer of her movie ay wala naman itong kadating-dating at hindi nakakatawa.

All she has become now is an AGING SEXY COMEDIENNE.

Hindi na siya uso. Napaglipasan na siya. Natabunan na siya.

She has become comedy’s HAS-BEEN.

 

Julie Anne San Jose, nalait ang guesting sa concert ni Ogie Alcasid

 

KAWAWANG JULIE Anne San Jose, nalait nang mag-guest siya sa concert ni Ogie Alcasid.

Naikumpara kasi ang kanyang appearance sa paglabas ni Daniel Padilla noong gabing iyon.

Nang lumabas kasi si Daniel ay nagkaroon daw ng pandemonium, talagang tilian at hiyawan ang mga fans, young and adults alike.

But when Julie Anne came out on stage ay wala halos nakakilala rito kaya parang patay ang response ng mga tao. For them, isang malaking DA WHO ang beauty ni Julie Anne.

Performance-wise, ‘di hamak naman na mas magaling si Julie Anne kaysa kay Daniel. Talagang bumirit daw siya but sadly, wala siyang dating sa audience. Malakas talaga ang drawing power ng pamangkin ni Robin Padilla.

Nagkaroon ng issue sina Daniel at Julie Anne when an item came out kung saan pinagtatawanan daw nina Elmo at Julie Anne ang pagkanta ni Daniel while listening to his music.

Naku, nagkita kaya ang dalawa sa dressing room?

 

Ogie Alcasid, P1-B ang TF sa Singko!Heart Evangelista, bumaba na ang market value?!

 

ANG FEELING ng mga fans ni Heart Evangelista, medyo naapi ang kanilang idol dahil from primetime ay ginawang panghapon na lang ang beauty ng dyowa ni Senator Chiz Escudero.

Afternoon soap kasi ang next project niya sa Siyete, bagay na inaangalan ng kanyang loyal followers. Bakit daw hindi nila sa primetime ilalagay ang teleserye ni Heart.

Well, hindi yata naging hit ang last primetime soap ni Heart kaya nagkaroon ng demotion.

‘Yun lang naman ‘yon. Siyempre, you’re as good as your last TV show.

Actually, medyo bumaba na ang popularity ni Heart when she went into a relationship with Senator Chiz. Parang bumaba ang kanyang market value.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING