Ogie Alcasid, naudlot ang paglipat sa TV5?!

ADVERTISING

Ogie Alcasid, naudlot ang paglipat sa TV5?!

Ogie Alcasid, naudlot ang paglipat sa TV5?!GAANO KATOTOO na hindi na matutuloy ang paglipat ni Ogie Alcasid sa TV5? May nakarating kasi sa amin, pero wala pang kumpirmasyon sa dalawang TV network, GMA-7 at Kapatid Network.

Kasama pa rin daw kasi si Ogie sa ipapalit sa tsinuging Sunday show na Party Pilipinas sa GMA-7, ang Sunday All Stars na ididirek ni Rommel Gacho.

Nangangahulugan lang na kapag kasama pa rin si Ogie sa bagong Sunday show ng Kapuso Network ay magre-renew pa rin ito ng kontrata.

May nakausap kaming ilang taga-TV5 at kinumpirma rin ng mga ito na hindi pa rin daw sigurado kung magiging Kapatid na si Ogie.

ADVERTISING

Nakarating na rin daw sa kanila ang pananatili raw ni Ogie sa bagong Sunday show ng GMA7, ang Sunday All Stars.

Samantalang may nagtanong sa manager ni Ogie kung totoo ba na mananatiling Kapuso ang actor/ comedian/ singer/ composer.

Ang laging raw sinasagot ng manager ni Ogie ay ‘di raw puwedeng magbigay ng comment.

Ogie Alcasid, naudlot ang paglipat sa TV5?!

IKINAGULAT NI Sherilyn Reyes ang balitang ipinagdadamot daw niya ang anak niyang si Paoie sa ama nitong si Jun Jun Santiago na utol ni Raymart Santiago.

Ikinasal si Sherilyn kay Jun Jun noon 1997 at naghiwalay matapos ang apat na taong pagsasama at nagkaroon sila ng isang anak na si Reily Paolo or Paoie in short.

2008 napawalang-bisa ang kasal nila ni Jun Jun at December 2012 ikinasal muli si Sherilyn sa long tme boyfriend niya na si Chris Tan kung saan may dalawang anak na sila, sina Quirsten, 11 years old at si Anya Sabrina, 1 year old.

Ayon kay Sherilyn, kahit minsan ay ‘di niya inisip na pagbawalan ang anak nito na makita at makapiling ang tunay na ama.

“Noong una, natawa lang ako kasi parang “joke ba ito?” Pero noong may ilang tao na ang nagsasabi  sa akin, teka parang seryoso na ito?

“Tahimik ang pamilya ko. Hangga’t maaari, I don’t want my kids to be involved sa ganitong usapan. Nakapagtataka lang kung bakit may ganito ngayon.

“Hindi naman dapat, ‘di ba? I mean, puwede naman akong kausapin nang direkta at hindi na idaan sa ibang tao.

“Nakalulungkot kasi parang pinalalabas na may problema ako, na sa totoo lang walang problema at all,” say ni Sherilyn na super seksi pa rin at hindi nagbabago ang hitsura.

Sabi pa ni Sherilyn, never niyang ipinagdamot or pinigilan ang anak na si Paoie na makita ang tunay nitong ama. Lagi nga raw tinatanong ni Sherilyn ang anak kung gusto nitong puntahan ang ama. Pero ang bata na raw mismo ang tumatanggi.

“Hindi ko naman puwedeng pilitin ang anak ko sa isang bagay na ayaw pa niyang gawin, ‘di ba? Bilang ina naman, I want to protect my children.Pero never ko naman nagawang siraan kay Paoie ang tunay niyang ama.

“I never said anything bad against his father. Lagi ko sinasabi sa anak ko na sabihin lang niya kung kailan niya gustong makita ang daddy niya at ako pa ang magdadala sa kanya sa ama niya. I leave that decision sa anak ko. Ayokong makialam sa gusto niya. Nasa tamang edad na naman siya.

“If he feels na hindi pa siya ready to face his father, ‘di ko siya pipilitin. That’s my son’s decision na dapat ko lang igalang. Kaya unfair naman na sabihin na pinagdadamot ko ang anak ko. Hindi naman tama ‘yun, kasi  it’s not  true,” pagtatapos na pahayag ni Sherilyn.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING