Ogie Alcasid, naiyak sa break-up ng anak at boyfriend nito

ADVERTISING

Ogie Alcasid, naiyak sa break-up ng anak at boyfriend nito

Ogie-AlcasidNAPAIYAK SI Ogie Alcasid nang malaman niya sa anak na panganay kay Michelle Van Eimeren na si Leila na nakipag-break daw ang first boyfriend at first love nito.

Umiyak si Ogie dahil sa pagdadalamhati ng anak. Ikinuwento raw kasi ng anak ang nangyari sa kanila ng kanyang Australian boyfriend.

Ayon kay Ogie, nakita at nakasama pa niya minsan ang Australian boyfriend ni Leila kapag binibisita niya ang dalawang anak sa Queensland, Australia.

“Na-feel ko ang kalungkutan ni Leila kaya maluha-luha rin ako. Ganyan pala ang feeling ng isang ama. Lalo’t malapit sa iyo ang mga bata. “Pero naka-move on na ang anak ko ngayon. Nang huli ko siyang makausap sa phone, masaya na si Leila. Tapos tinanong ko kaagad ang grades niya sa school. Sinabi niya na matataas pa rin, ibig sabihin ay okey na talaga ang anak ko. “‘Yun namang bunso ko na si Sarah, napaka-business minded. Hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend,” pahayag ni Ogie.

ADVERTISING

Samantalang when ask kung wala ba siyang nadamang pagsisisi nang lumipat sa TV 5 from GMA 7. Natawa at napangiti ito at sabay sinabi na: “Okey naman ang lahat. Nang umalis naman ako sa GMA 7 ay nagpaalam ako nang maayos at wala naman naging problema.”

Pero hindi naman naitago ni Ogie na minsan ay nami-miss din daw niya ang mga dating kasamahan sa Bubble Gang. Ang pagpapatawa at tandem nila ni Michael V atbp. sa cast ng gag show na napapanood every Friday sa GMA 7.

Who knows daw, baka magkasama-sama rin silang BG barkada. Hindi man sa TV, baka raw sa isang show here or abroad.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING