Ogie Alcasid, nagtayo ng sariling talent management

ADVERTISING

Ogie Alcasid, nagtayo ng sariling talent management

Ogie-AlcasidNAGTAYO NA rin pala ng sariling talent management si Ogie Alcasid, ang Alcasid Total Entertainment and Artist Management.

ADVERTISING

Layunin daw ni Ogie na makatulong sa mga kapwa singer/songwriter kaya siya nagtayo ng talent management, kung saan ay may kasosyo naman daw siya rito.

Katuwiran pa ng husband ni Regine Velasquez, mahirap maghanap ng manager ang mga bagong singer ngayon, dahil puro artista ang mina-manage ng mga talent manager ngayon kaysa sa mag-manage ng isang singer.

Sa pagtatayo ng sariling talent management ni Ogie, nangangahulugan daw ba nito na kakalas na siya sa pangangalaga ni Leo Dominguez as his manager?

ADVERTISING

Wala naman daw mangyayaring ganoon at katunayan ay katulong din daw ng talent management niya ang kanyang manager.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING