Ogie Alcasid, nagpaalam na sa mga big boss ng Siyete

ADVERTISING

Ogie Alcasid, nagpaalam na sa mga big boss ng Siyete

Ogie Alcasid, nagpaalam na sa mga big boss ng SiyeteMUKHANG TULUY na tuloy na ang paglipat ni Ogie Alcasid sa TV5, ha!

ADVERTISING

Narinig kong pinag-usapan sa taping ng Bubble Gang nu’ng nakaraang Lunes na darating daw si Ogie sa taping nila para magpa-dinner at pormal daw na magpaalam sa mga kasamahan niya sa naturang gag show.

Pero wala pang kumpirmasyon si Ogie, dahil wala pa naman daw siyang napipirmahan na kontrata.

Ang dinig ko, nagpaalam na rin daw si Ogie sa mga big boss ng GMA 7 kaya maayos naman daw ang pag-alis niya ng GMA-7.

ADVERTISING

May nakahanda na nga raw na programa na gagawin niya sa TV5.

Pero kuwento ng mga bading, ang dami na raw nagri-react sa paglipat ni Ogie dahil baka si Regine Velasquez na raw ang kasunod.

Alam ko malapit na ring matapos ang kontrata ni Regine sa GMA-7, pero wala pa naman siyang sinasabing susunod din siya kay Ogie.

Nairita na nga si Regine sa ibang nagkukomento sa pag-alis ni Ogie ng GMA 7.

Meron na siyang pinatulang fan na poser sa Instagram na kung anu-anong panlalait ang mga sinabi kay Ogie, kaya sinagot na ito ni Regine.

Tuloy naman si Regine sa taping ng Sarap Diva, pero hindi nga lang siya nakikita sa Sunday All Stars.

Kaya tingnan na lang natin kung ano ang plano ng Songbird pagkatapos umalis ni Ogie sa GMA-7.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING