Ogie Alcasid, naalarma sa pagte-takeover ng Viva sa TV5

ADVERTISING

Ogie Alcasid, naalarma sa pagte-takeover ng Viva sa TV5

Ogie-AlcasidNAGKITA-KITA ANG magagaling at respetadong singer ng bansa sa ginanap na PMPC Star Awards for Music sa Kia Theater, former New Frontier Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City last Tuesday.

ADVERTISING

Sina Ogie Alcasid at Rey Valera ang pinagkalooban ng Lifetime Achievement Awards. Kay Rey ipinagkaloob ang Pilita Corrales Lifetime Achievement Award at kay Ogie ang Levi Celerio Lifetime Achievement Awards.

Bago nagsimula ang Gabi ng Parangal, hiningan namin ng reaction si Ogie sa pagte-takeover ng Viva sa TV5, kung saan siya ngayon nakakontrata as a singer and artist.

Ayon kay Ogie, nangangamba siya sa mga kasamahan at production staff. Kung siya raw ay walang problema.

ADVERTISING

“Nagkausap kami ni Boss Vic (del Rosario). Okey naman ang naging usapan. Gusto niyang magkaroon kami ng singing contest sa susunod na taon.

“Nangangamba lang ako sa production staff at iba pang kasamang artista sa TV5. Nilalakad ko nga kung paanong ‘di sila maaapektuhan sa pagte-takeover ng Viva sa pamamalakad sa entertainment sa TV5,” say ni Ogie.

Anyway, dahil sa pagse-celebrate ng 5th year nila ng misis na si Regine Velasquez, may inihanda siyang regalo na talaga raw pinag-isipan niya nang matagal para sa one and only love na misis na si Songbird.

“Ginawan ko siya ng album na ang mga nilalaman ay tungkol sa pagmamahal at wedding. Para sa kanya ang mga awitin ng album at may para rin sa AlDub na ginawan ko rin ng kanta,” say pa ni Ogie.

Sa darating na Kapaskuhan naman, magsama-sama raw sila uli ng mga anak kay Michelle Van Eiemeren. Dito sa bansa sila magse-celebrate ng Pasko na tatagal ng sampung araw bago muling bumalik ng Australia ang mga anak kay Michelle.

“Mga 10 days siguro kaming magsasama-sama sa Pasko. Regine, Nate, and my kids with Michelle. Dito sila sa atin magpa-Pasko. Of course, kasama rin si Michelle. Complete family kami sa Pasko,” pagtatapos ni Ogie.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING