Ogie Alcasid, maayos na nagpaalam sa Siyete

ADVERTISING

Ogie Alcasid, maayos na nagpaalam sa Siyete

Ogie Alcasid, maayos na nagpaalam sa SiyeteMAAYOS NAMAN pala ang pagpapaalam ni Ogie Alcasid sa GMA-7 kaugnay ng kanyang paglipat sa Kapatid network eh. Halos dalawang dekada rin ang pinagsamahan ng GMA at ni Ogie, kaya hindi dapat nagsusunog ng tulay, ‘ika nga.

‘Yan din ang ipinangako namin sa aming sarili. Kung sakali mang tadyakan kami ng ABS-CBN balang-araw (thank God at wala pa naman akong nababanaagan ngayon) eh, maayos ang pag-alis namin at hindi para kagatin namin ang mga kamay na nagpakain sa amin.

Maliit lang ang mundo, ‘yan dapat ang paniniwala ng lahat. Sa liit, magkikita at magkikita pa rin kayo kahit hindi n’yo pa hilingin.

Marami kaming kilalang artista at personalidad na “sinagpang” ang kamay na nagpala sa kanila para pasilaw sa offer ng iba, pero nu’ng ma-realize nila in the end na nami-miss nila ‘yung network, ayan at hindi na sila nakabalik.

ADVERTISING

Lagi nating iisiping kung hindi natin kayang magtayo ng sariling network, huwag nang magmaldita at magyabang.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING