Ogie Alcasid, kinunsluta pa si Regine Velasquez para sa bagong show

ADVERTISING

Ogie Alcasid, kinunsluta pa si Regine Velasquez para sa bagong show

Ogie Alcasid, kinunsluta pa si Regine Velasquez para sa bagong showMASAYA RAW si Ogie Alcasid na meron siyang bagong show sa TV5, bukod sa kanyang mga existing show sa Kapatid Network, at ito ang Let’s Ask Pilipinas kung saan pinalitan nito bilang host ng nasabing interactive game show si Aga Muhlach.

“I’m happy that I’m doing this show because I like the show. Nu’ng nagti-taping kami kanina, siyempre ‘yung first episode, medyo nangangapa-ngapa pa ako. Pero nu’ng nakukuha ko na ‘yung takbo ng show… aba, sabi ko, ‘okey ‘to!’

“I liked it and it’s a daily show sa umaga. So, iba naman dahil galing ako sa Confessions of A Torpewhich went very well. We were very, very happy nu’ng run nu’ng show. In fact, they’re now talking of doing another run.”

Aprubado raw ng kanyang asawa na si Regine Velasquez ang pagtanggap niya ng Let’s Ask Pilipinas.

ADVERTISING

“Ang una kong laging tinatanong ay ang asawa ko, ‘di ba, ‘ano sa tingin mo?’” na inayunan naman daw ni Regine.

 

John-Nite-ElaineBonggang opening ng Fashion Princess Boutique

 

UM-ATTEND KAMI sa bonggang opening ng pinakabagong boutique sa Linear Bldg. 142 Katipunan Street St., Ignatius Quezon City (in front of Pan de Americana), ang Fashion Princess by Elaine, kung saan ang isa sa naging espesyal na panauhin at nag-cut ng ribbon ay ang Walang Tulugan With The Master Showman co-host na si Mr. John Nite.

Maganda ang line ng mga damit ng Fashion Princess kung saan galing pa ng iba’t ibang bansa ang kanilang clothes mula sa Singapore, Thailand, Europe hanggang USA. Meron din silang jewelries at second hand branded bags at watches na talaga namang very affordable ang prices.

Bukod kay Mr. John Nite, dumalo rin sa nasabing ppening ang pamilya at kaibigan ni Ms. Elaine. Present din ang mabait at very approachable na may-ari ng Linear Bldg. na si Mr. Abesamis.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING