Ogie Alcasid, kasado na paglipat sa Singko

ADVERTISING

Ogie Alcasid, kasado na paglipat sa Singko

Ogie Alcasid, kasado na paglipat sa SingkoGOODBYE SA mga fungi na raw talaga ang magiging drama ni Ogie Alcasid sa Siyete.

Regine Velasquez’s husband is waiting na lang daw for his contract with GMA to expire and babu na ang beauty niya sa Siyete.

In an interview, sinabi ni Ogie na jobless siya sa ngayon at wala pa siyang pinipirmahang kontrata sa anumang network.

But a source told us na done deal na nga raw ang paglipat ni Ogie Da Pogi sa Singko.

ADVERTISING

Actually, hindi paglipat ang mas angkop na term kundi pagbabalik.

If you remember, matagal nang nasa ABC 5 si Ogie kasama si Michael V at meron silang mga shows noon. If we remember it right, OGAG ang kanilang gag show noon na hit na hit sa televiewers.

Until GMA-7 made a very tempting offer kina Ogie at Bitoy kaya lumipat sila sa Siyete.

It would be interesting to know kung kasama ni Ogie ang asawang si Regine Velasquez sa kanyang paglipat sa Singko.

Puwede siguro itong mangyari kung pa-expire na rin ang kontrata ni Regine sa GMA. Pero kung hindi, it will take some time bago sila magkasama muli.

Eh, ano na ang mangyayari sa gag show ni Ogie na kasama si Bitoy?

At mananatili pa rin ba si Bitoy sa Siyete o join siya kay Papa Ogie sa TV 5?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING