Ogie Alcasid, iiwan na ang Bubble Gang

ADVERTISING

Ogie Alcasid, iiwan na ang Bubble GangKUMALAT NA ang usap-usapan na umano’y lilipat na ng ibang network ang komedyante at songwriter-singer na si Ogie Alcasid, dahil na rin sa hindi nito pagpapakita, halos tatlong araw na ng Linggo sa noontime show na Sunday All Stars at maging sa taping ng longtime running comedy sitcom na Bubble Gang na eighteen years na sa October.

Sa nakaraang taping ng Bubble Gang noong July 22, nasorpresa ang lahat ng staff at artista sa biglang pagdating ni Ogie.  May dala pa itong maraming pagkain for dinner bilang pasalubong sa mga naroon. Halos magkagulo sa studio dahil sa tuwa sa pagdating ng kanilang bida. Syempre, marami ang nasisiyahan, may mga nagtataka rin sa kanyang pagdating. Halos lahat ay curious sa maaaring ikuwento, sabihin o ipaliwanag nito. Ngunit ‘di pa rin nagsalita si Da Pogi.

ADVERTISING

Dumating din ang ilang executives ng GMA- tulad nina Ma’am Redgie Magno-Acuna, Ma’m Marivin Arayat at ilan pa. Samantala’y kabi-kabila pa rin ang mga nagpapa-picture, pero nagsalita pa rin ang bida na, “Kahit ano pa ang mangyari, magkakasama-sama pa rin tayo. Basta hintayin na lang natin ang announcement.”

May mga nagaganap pa rin daw pag-uusap between GMA at TV5, kaya ‘di pa rin makapagdesisyon si Ogie. ‘Eto ang huli kong nasagap na mga sinabi niya noong taping. Samantala’y nagkaroon na ng kaganapan ang dapat asahan, na natuloy na nga ang paglipat ni Ogie sa TV-5. May malalim umano silang pinagsamahan ng head ng Kapatid Network na si Manny V. Pangilinan kaya hindi ito nakatanggi sa alok. Kasama na rin niyang pumirma ng kontrata ang kanyang kabiyak na si Regine Velasquez.

Ang hindi muna pagpapakita ng mag-asawa sa TV show ay bunsod ng pagiging abala nila sa preparasyon ng kanilang  concert na “I Write the Song” para sa kanyang ika-25 anniversary sa showbiz na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena.

ADVERTISING

By Luz Candaba

ADVERTISING