Ogie Alcasid, ibibigay ang TF sa concert sa mga pamilya ng Fallen 44

Ogie Alcasid, ibibigay ang TF sa concert sa mga pamilya ng Fallen 44

Ogie-AlcasidNAG-ANNOUNCE SI Ogie Alcasid na ang talent fee niya sa kanyang concert na OPM MuSIKATin ay ibibigay raw niya sa pamilya ng Fallen 44.

Itong concert niya na gaganapin sa Philippine Arena ay gagawin sa February 20, at ang sabi ni Ogie, parang nakagi-guilty naman daw na magku-concert tayo na may pinagdaraanan ang ating bansa.

‘Di ba, iniimbestigahan itong nangyari sa Mamasapano, Maguindanao may mga naglabasan pang video ng mga kapulisan natin kung paano sila pinapatay. Nakapanlulumo talaga!

Kaya dapat na lumabas talaga ang katotohanan dito at managot ang dapat na managot.

Sabi nga ni Ogie, bilang pagpupugay sa ating 44 Fallen Heroes, meron silang inihandang production number para sa kanila. Ang gusto nga niya imbitahin ang pamilya ng mga nasawing police commandos para mabigyan naman sila ng entertainment at pagpapahalaga.

Kaya natutuwa naman si Ogie na kahit paano meron naman daw siyang maibahagi sa pamilya n gating 44 Fallen Heroes, na ang gusto nga raw niya ay dapat tawaging Brave 44 o Gallant 44.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis