Ogie Alcasid, humingi ng isang buwan bago magdesisyon kung lilipat ng istasyon

ADVERTISING

Ogie Alcasid, humingi ng isang buwan bago magdesisyon kung lilipat ng istasyon

Ogie Alcasid, humingi ng isang buwan bago magdesisyon kung lilipat ng istasyonISANG BUWAN ang hiningi ni Ogie Alcasid para magdesisyon kung mananatili siyang Kapuso o magiging Kapatid.

ADVERTISING

Nag-expire ang kontrata ni Ogie sa GMA-7 last June 30, kaya hindi na siya sumipot sa Sunday All Stars kasama ang wife na si Regine Velasquez dahil nagtapos na rin ang kontrata nito.

Inamin ni Ogie na may standing offer ang Kapatid Network at mayroon din siyang another offer sa Kapuso Network. Kung saan network siya pupunta?

“Honestly, wala pa. Hindi ko pa alam. Sa ngayon, gusto ko munang magpahinga, lalo na ngayong magkakaroon tayo ng concert sa SM MOA Arena. So, ‘yun muna,” say ni Ogie.

ADVERTISING

Sa nagtatanong kung possible ba siyang lumipat ng ibang network?

“You know, at this point in my career, I’m praying. ‘Yun ang ginagawa ko which is, ginagawa ko naman sa lahat ng bagay sa buhay ko. But now, I am praying. Kung sino o kung saan na makikita kong kailangan ako, doon ako. I want to be of help and I think, it’s time for me to give back naman,” katuwiran ni Ogie.

Pinagdiinan pa ni Ogie na kung anuman daw ang magiging desisyon niya ay labas ang misis niya na si Regine Velasquez.

Oh. C’mon!

By Gerry Ocampo

ADVERTISING