IT’S OFFICIAL: Si Liza Soberano ang bagong Darna!

ADVERTISING

IT'S OFFICIAL: Si Liza Soberano ang bagong Darna!IT’S OFFICIAL! Totoo nga ang usap-usapan na si Liza Soberano na nga ang Darna ng bagong henerasyon!

Halos dalawang taon din naghintay ang mga fans ng Darna para sa movie version ng iconic Pinay superhero. Ginampanan ni Angel Locsin ito sa GMA-7 ten years ago na sinundan ni Marian Rivera. Originally ay si Angel Locsin pa rin ang lulunok sa nasabing bato, but her health problem caused delay hanggang sa napag-desisyunan ng Star Cinema na ibigay na lang ang proyekto sa ibang artista.

Ilan sa mga pangalang nabanggit na may possibility maging Darna ay sina Kathryn Bernardo, Sarah Geronimo, Nadine Lustre, Yassi Pressman at kahit si Pia Wurtzbach! Sa huli ay si Liza Soberano ang nakasungkit ng korona and we do think she deserves it!

Opisyal na ngang pinakilala ang dalaga bilang bagong Darna ng Star Cinema kahapon with the presence of Star Cinema officials. When asked how she feels about her new role:

“Sobrang na-excite ako. Siyempre happy and I feel really honored to don the iconic costume and to be able to embody what Darna represents.”

ADVERTISING
 

It’s official! Liza Soberano will play the iconic role Darna! #DarnaReveal #LizaSoberanoIsDarna

A post shared by STAR Cinema (@starcinema) on

Aminado rin ito na nakakaramdam na siya ng pressure, knowing Angel Locsin ang papalitan nito:

 “‘Yung expectations ng mga tao, siyempre I want to be able to please, but of course at the end of the day, you can’t please everyone. Ang gagawin ko na lang po is gagawin ko ‘yung more than 100% best ko sa project na ‘to.” aniya.

Nag-umpisa na rin ng training ni Liza para sa action scenes na gagawin niya sa pelikula. Ang maganda kay Liza at tamang-tama ang kanyang katawan – hindi ito payat, pero hindi rin ito masyadong malaman.

Sa wakas ay makakatulog na ang mga abangerz! Ngayon ay kailangan naman nating abangan kung sino ang gaganap na Ding, Valentina at kung may love interest ba ito. Will Enrique Gil appear as Captain Barbell? Ano sa tingin n’yo, mga kaparazzi?

Habang naghahanda pa si Liza bilang Darna, abangan naman ang kanyang pagrampa bilang Miss Universe sa MMK ngayong Sabado! Grabe, beauty queen na, superhero pa! Sa’yo na talaga ang korona, Liza!

ADVERTISING