Ober Da Bakod version 2.0.1.5

Sharon Cuneta

BALIK ABS-CBN si Miss Sharon Cuneta nitong Marso matapos ang ilang taong pagkawala sa Dos dahil na rin sa malaking offer na Ibinigay sa kanya ng TV5. Hindi napaangat ni Shawie ang ratings ng nilipatang istasyon kahit pa napabalitang malaking halaga ang nakasaad sa kontrata nito. “I just don’t belong anywhere else,” ayon pa sa Megastar. Para raw siyang isda na inalis sa tubig noong lumipat ito sa TV5. Open arms naman siyang tinanggap ng mga big bosses ng ABS-CBN kabilang na si Charo Santos-Concio, ang ABS-CBN president. Agad isinabak sa Your Face Sounds Familiar si Shawie bilang judge ng show.
BALIK ABS-CBN si Miss Sharon Cuneta nitong Marso matapos ang ilang taong pagkawala sa Dos dahil na rin sa malaking offer na Ibinigay sa kanya ng TV5.
Hindi napaangat ni Shawie ang ratings ng nilipatang istasyon kahit pa napabalitang malaking halaga ang nakasaad sa kontrata nito.
“I just don’t belong anywhere else,” ayon pa sa Megastar.
Para raw siyang isda na inalis sa tubig noong lumipat ito sa TV5.
Open arms naman siyang tinanggap ng mga big bosses ng ABS-CBN kabilang na si Charo Santos-Concio, ang ABS-CBN president.
Agad isinabak sa Your Face Sounds Familiar si Shawie bilang judge ng show.

Maxene Magalona & Elmo Magalona

Magalona siblings transferred to ABS-CBN from their home network GMA 7. Una nang lumipat si Maxene noong unang bahagi ng taon na naging contestant sa Your Face Sounds Familiar. Patok ang show sa madlang pipol kahit pa maraming beses na mababa ang score. Sinundan naman ito ng kanyang kapatid na si Elmo Magalona na Nobyembre lang pumirma ng kontrata sa Dos. Agad nag-team up sina Elmo at Janella Salvador sa isang proyekto. Malaki umano ang utang na loob ni Elmo sa pinanggalingang istasyon, dahil limang taon itong inalagaan ng GMA 7. Excited naman ang binata bilang Kapamilya dahil hanap umano nito ang good challenge.
Magalona siblings transferred to ABS-CBN from their home network GMA 7.
Una nang lumipat si Maxene noong unang bahagi ng taon na naging contestant sa Your Face Sounds Familiar. Patok ang show sa madlang pipol kahit pa maraming beses na mababa ang score.
Sinundan naman ito ng kanyang kapatid na si Elmo Magalona na Nobyembre lang pumirma ng kontrata sa Dos.
Agad nag-team up sina Elmo at Janella Salvador sa isang proyekto. Malaki umano ang utang na loob ni Elmo sa pinanggalingang istasyon, dahil limang taon itong inalagaan ng GMA 7.
Excited naman ang binata bilang Kapamilya dahil hanap umano nito ang good challenge.

Edgar Allan Guzman

Matapos ang lack-luster na career sa TV5 lumipat si Edgar Allan Guzman sa ABS-CBN nitong taon at sumabak din sa unang serye ng Your Face Sounds Familiar. Nagpalit umano ng management ang TV5 kaya hindi na katulad ng dati ang trato sa kanya. Hindi umano siya nagkaproblema noon, pero nitong 2014 ay naging madalang na ang kanyang projects. Nagdesisyon umano sila ng kanyang manager na si Noel Ferrer na lumipat sa Dos, dahil iniisip umano nito ang paglago ng kanyang karanasan sa pag-arte.
Matapos ang lack-luster na career sa TV5 lumipat si Edgar Allan Guzman sa ABS-CBN nitong taon at sumabak din sa unang serye ng Your Face Sounds Familiar.
Nagpalit umano ng management ang TV5 kaya hindi na katulad ng dati ang trato sa kanya. Hindi umano siya nagkaproblema noon, pero nitong 2014 ay naging madalang na ang kanyang projects.
Nagdesisyon umano sila ng kanyang manager na si Noel Ferrer na lumipat sa Dos, dahil iniisip umano nito ang paglago ng kanyang karanasan sa pag-arte.

Ai-Ai de las Alas

Bongga ang paglipat ni Ai Ai de las Alas sa GMA 7 dahil agad itong kasama sa cast ng “Let The Love Begin”. Naging kabilang din sa ngayon si Ai Ai sa Sunday Pinasaya na naging matagumpay na Sunday show dahil tinaob nito ang kalabang show sa Dos na ASAP 20. Lumipat si Ai Ai sa GMA 7, kalabang istasyon ng ABS-CBN, matapos mapabalitang nagkasamaan sila ng loob ng maimpluwensyang si Kris Aquino. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin tinutukoy ni Kris o ni Ai Ai ang dahilan ng kanilang alitan.
Bongga ang paglipat ni Ai Ai de las Alas sa GMA 7 dahil agad itong kasama sa cast ng “Let The Love Begin”.
Naging kabilang din sa ngayon si Ai Ai sa Sunday Pinasaya na naging matagumpay na Sunday show dahil tinaob nito ang kalabang show sa Dos na ASAP 20.
Lumipat si Ai Ai sa GMA 7, kalabang istasyon ng ABS-CBN, matapos mapabalitang nagkasamaan sila ng loob ng maimpluwensyang si Kris Aquino.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin tinutukoy ni Kris o ni Ai Ai ang dahilan ng kanilang alitan.

 

Ni JO CAPAREDA