Nyoy Volante, ‘di hamak na mas magaling kaysa kay Maxene Magalona

Nyoy Volante, ‘di hamak na mas magaling kaysa kay Maxene Magalona

Nyoy-Volante-Maxene-MagalonaANG FEELING namin ay nagkamali ang judges sa isang reality show nang bigyan nila ng pinakamataas na score si Maxene Magalona.

Bulag ba sila? Hindi naman si Maxene ang pinakamagaling sa episode na ‘yon kundi si Nyoy Volante. Ang hirap ng ginawa ni Nyoy nang kantahin at gayahin niya si Sylvia Latorre. His performance of the Queen of Kundiman’s classic hit Sa Kabukiran was simply amazing, walang katulad, walang katapat.

Kaya nga naloka kami nang si Maxene ang binigyan ng pinakamataas na score ng judges na tila naging bulag sa katotohanang si Nyoy ang pinakamagaling sa episode na ‘yon.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas