Nude photo ng aktor, nagkalat sa internet! – Tita Swarding

ADVERTISING

Nude photo ng aktor, nagkalat sa internet! - Tita Swarding

Nude photo ng aktor, nagkalat sa internet! - Tita SwardingOLACHIKKA! NAKU, HA! Mahulaan n’yo kaya kung sino itong aking pahuhulaan sa inyo? Naku, mga kafatid, maloloka kayo dahil ang aktor na ito ay hindi lang sa drama magaling kundi pati na rin sa komedya ay swak ito.

Very friendly itong si aktor at malapit sa mga bading. Ang nakakaloka ay dahil halos nakatengga na ang career ng aktor ngayon dahil ni isa ay wala ito. Pumapatos na lang ito sa mga pipitsuging mga show at ang mga show diumano nito na out-of- town ay binabarat na rin, huh! Kaya no choice itong si aktor dahil kailangan niyang kumita. Pati nga sa indie film ay pinasok na rin nito. Hmmm…Walang masama diyan, ‘noh!

[ad#post-ad-box]

Pero ang nakakaloka, wala na nga sa isang malaking network itong si aktor na halos mag-iisang taon na. Naalala  namin nu’ng kami ay nagkausap at nakasama ko ito sa isang ginawang indie film. Naku, ha! Pero hanggang ngayon, sa tagal ng paghihintay ay wala talagang kumuha sa aktor na ito. Hmmmmm. Bakit kaya? Mabait naman ito. Pero ang ikinabigla ng aking ulirat ay nang makita ko ang mga larawan ng actor na ito sa isang site ng internet na nagkalat na hubo’t hubad, huh!

Hindi ako makapaniwala na magagawa ito ni aktor dahil mabait naman ito. Sabagay, iba na ang teknolohiya ngayon. Puwedeng idugtong ang mukha nito sa isang katawan na hindi sa kanya. Hmmm….Defensive ang lola. Ha! Ha! Ha!

ADVERTISING

Pero ayon sa aking Parazzi Girl, si aktor daw talaga ang naglagay nito upang magkaroon siya ng ingay, huh!  Dahil nakalimutan na raw siya ng sirkulasyon, huh! Nakakaloka, ha!

O, nahulaan n’yo na kung sino siya? Haler! Ang clue, maingay ang lovelife nito nu’ng sila pa ni actress,huh! Pati si actress ay wala na ring ingay!  ‘Yun na!

ITO ANG NAKARATING sa akin at naisulat ko ito nu’ng isang araw rito sa column ko sa Pinoy Parazzi, ang tungkol sa mayabang na TV host na si Willie Revillame. Ayon nga sa aking Parazzi Girl, instead na ligawan daw ni Willie ang anak ni Senator Manny Villar ay magsosyo na lang sila sa negosyo. Kilala raw ng magaling na senador ang ugali ng mayabang na TV host at ayaw raw niyang nasa alanganin ang anak, mas maigi na raw na sa negosyo na lang sila magsosyo, huh! Hay, no comment ako riyan. Itong Parazzi Girl ko, ha! Sabagay, alam na alam ng publiko ang bituka ng mayabang na TV host. Kaya sa building na itinatayo sa tapat ng ABS-CBN ay magkasosyo sina Senator Manny Villar at Willie. Tamang-tama na raw na sa negosyo na na lang at hindi mauwi sa ligawan ng anak nito, huh! Nakakaloka, ha!

GOODBYE NA NGA ang show nina Ai-Ai delas Alas at ng anak ni Annabelle Rama na si Ruffa Gutierrez, ang Ruffa & Ai.

Sa paliwanang ng isang mataas na opisyal ng istasyon ng Dos, hindi raw ratings  ang labanan kundi sa schedule daw ng dalawa na hindi minsan magkatugma. ‘Yun na lang ang ibinigay na paliwananag  ng mga bossing.

Pero hindi kasi nauungusan ng dalawa ang kalaban nito na ilang taon na rin sa telebisyon at halos nakakaantok ang show ng dalawa kumpara sa kabila na alive at araw-araw ay iba-iba ang timpla. Sabi ng ilan, ok na raw sana si Ai Ai pero pagdating kay Ruffa, medyo nakaaantok daw  at pilit na pilit. Hanggang The Buzz lang daw ang beauty nito. Maraming show sa Dos ang tsutsugihin, bukod sa Ruffa & Ai ay pati ang kasunod nitong programa na Pilipinas, Game Ka N Ba? na aking pinanonood ay tsutsugihin na rin daw at hindi na tuloy na si Luis Manzano bilang kapalit ni Edu as host. Si Edu Manzano ay tatangalin na sa programa dahil  tatakbo ito sa susunod na eleksiyon kaya goodbye na rin ito at papalitan ng bago. Naku, ha! Ano naman kaya ang ipapalit dito. Ito nga ang aabangan ng lahat. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING