NOVA VILLA, NAKISAWSAW SA ISYU NINA BARBIE FORTEZA AT JOSHUA DIONISIO

‘OA’ NAMAN ang pagtatanggol ni Nova Villa sa Prinsesa at Prinsipe Nega na sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio. Animo`y ilang taon na niyang kasama ang dalawang starlet para sabihing mababait at hindi magagawa ng mga ito na magpatanggal ng artista sa show na Nega Nigrita.

Hello, Nova! Kung sa tagal at tagal lang nang pagkakakilala sa dalawang kumag na ‘yan, mas matagal na namin silang kilala. At alam namin ang lahat ng hindi magagandang ginagawa ng mga yan! Kaya, please lang, huwag makiangkas sa issue. Makisawsaw ba sa issue?!

Anong alam ni Nova sa nangyari? Nandoon ba siya sa loob ng room nang sabihin sa amin ng isang GMA-7 executive ang real score kung bakit natanggal si Kristoffer Martin sa show?

Narinig niya ba nang sabihin sa amin na ipinatanggal ng dalawang starlet ang bagets dahil hindi raw aattend ang mga ito ng storycon at pictorial kapag nandoon si Kristoffer?

Wala siya! Kaya puwede ba, huwag nang makisawsaw! Wala ka naman doon at wala kang alam sa issue, Nova!

TOTOO kaya ang bali-balitang magkakawatak-watak na ang sikat na grupong La Diva na kinabibilangan nina Maricris Garcia, Aicelle Santos, at Jonalyn Viray dahil magko-conscentrate na raw sa kani-kanyang singing career ang tatlo?

Ang pruweba raw ay ang pagkakaroon ng solo concert ni Jonalyn sa February 16, 9 PM sa Bagaberde, Roxas Blvd. titled  Jonalyn Viray, Uncovered. Hindi rin daw kahit guest man lamang ang dalawang kasama sa La Diva.

Ito na kaya ang simula na mas makikita nating nagpe-perform nang solo-solo ang bawat miyembro ng grupo especially si Jonalyn? Well, ‘yan ang ating aabangan sa mga susunod na araw.

SPEAKING of concerts, nakatakda ring magkaroon ng sariling concert ang TV5 artist at produkto ng Star Factor na si Mavi Lozano titled One Step Closer, sa Feb. 17, 8:30 PM  at Technowave, Il Terrazo Mall, Tomas Morato, Quezon City.

Magsisilbing espesyal ng panauhin sa kanyang kauna-unahang solo concert ang GMA-7 princess na si Rhian Ramos. Aabangan din ang iba pang surprise guests ni Mavi. Aawitin nito ang ilan sa kanyang mga paboritong kanta at mga awiting swak na swak sa panlasa ng mga Pinoy music lovers.

LOVELESS MAN ay happy daw ang magaling na host/comedian/businessman na si Arnell Ignacio sa itinatakbo ng kanyang career sa radio. Dumarami  na ang nakikinig ng kanyang radio show from 10PM  to 1AM, ang ‘No More Lonely Nights’ with Arnell Ignacio’, sa Radio Inquirer 990 khz AM .

Bida pa ni Arnell, marami na rin ang sponsors na pumapasok sa kanyang programa, kaya naman daw masayang-masaya siya. Minsan nga nang mapasyal kami roon, nagulat kami dahil ang dami ng tumatawag sa kanya mula sa Pilipinas hanggang sa Australia, Brunei, Saudi Arabia, America, Malaysia , Singapore, Thailand, Hong Kong, atbp.

May bago nga raw kagigiliwan ang kanyang mga tagapakinig ito ay ang ‘Tawag Na Kantahan’, yung singer ang tatawagan para kumanta. Ito raw ay ideya ng guwapong-guwapo at mabait na si Mr. Paolo Prieto na nagselebra ng kanyang kaarawan last. Feb. 11.

NAKAKATUWANG ISIPIN na may mga artista pa rin ang sobra-sobra ang pagmamahal sa kanyang pamilya kahit na may sarili na silang mga pamilya. At isa rito ang aming iniidolo na si Ms. Sylvia Sanchez na kahit anong busy sa trabaho, binigyan pa rin ng oras ang kanyang minamahal na mommy at mga kapatid para mamasyal sa Hong Kong.

Pansamantalang nagpahinga raw sa trabaho si Sylvia at isinama ang mga mahal sa buhay para lumibot sa iba’t ibang magagandang tanawin sa Hong Kong, like Disneyland at Ocean Park. Nagsilbing bonding na rin daw ito ng kanyang buong pamilya na nag-enjoy sa kanilang Hong Kong trip.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleMARAMING SIPSIP SA KAPATID NETWORK?!
Next articleWALANG KORNI KAPAG TINAMAAN KA NI KUPIDO!

No posts to display