Nova Villa, ikinuwento ang pagpaparamdam ni Tiya Pusit

ADVERTISING

Nova Villa, ikinuwento ang pagpaparamdam ni Tiya Pusit

Nova-VillaNAGKUWENTO PALA si Nova Villa sa Startalk nu’ng humarap ito sa presscon ng pelikula niyang 1st ko si 3rd na magsi-showing pala sa Ayala cinemas sa November 12.

ADVERTISING

Napag-usapan kasi ang tungkol kay Tiya Pusit na katatapos lang daw nilang mag-Pasiyam.

Ilang beses daw nagpaparamdam sa kanila at nagkuwento si Nova kung paano ito magparamdam.

Alam daw nilang nasa mabuting kalagayan ito at masaya na raw ang kapatid niya sa kabilang buhay dahil pawang pa-comedy raw ang paramdam nito.

ADVERTISING

Nagkuwento siya tungkol sa isang kapatid niya na sobrang close kay Tiya Pusit. Nu’ng inilibing daw ito, iyak daw nang iyak ang kapatid niya at sinasabi raw niyang si Tiya Pusit lang daw ang nakakapatawa sa kanya hanggang sa maihi.

Nu’ng pagkatapos daw ng Pasiyam, nagising daw ang kapatid niyang basang-basa ang kutson hanggang sa likod niya.

Hindi naman daw siya nanaginip, kaya takang-taka raw siya bakit basang-basa ito pati panty niya. Kaya baka raw pinatawa raw siya nang pinatawa ni Tiya Pusit hanggang sa naihi ito na hindi lang niya alam.

Kaya hanggang sa pagpaparamdam daw, parang nagpapatawa pa rin si Tiya Pusit.

Kaya tanggap na rin daw ng pamilya ang pagpanaw ng kanyang kapatid.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING