Not so young actress, iba-ibang aktor ang idine-date!

 

KILALA N’YO na ba kung sino itong not so young actress na madalas namin na makitang iba-iba ang  kasamang aktor? Sa totoo lang, tatlong aktor ang nakita naming nakasama niya nitong nakaraang buwan. Yes, sa mga resto namin siya madalas makita.

At ang latest nga na nakita namin ang not so young actress ay nang bumibili siya ng dalawang boxes ng donut sa may Quezon City.

Medyo nakakubli ang mukha niya. Kahit na naka-jacket siya na may hood ay kita pa rin namin ang mukha niya.

At ang nakakalokah, kilala namin ang not so young actor na kasama niya nu’ng gabing yon. Nakilala kami ni aktor at sumenyas na  huwag kaming maingay.

Dahil sa senyas ni aktor ay du’n namin na nalaman na may malice ang kanilang pagsasasama ni aktres.

O, knows ba kung sino si aktres?

Ang clue: Ang kanyang intial ay kapareho ng initial ng donut store na binilhan din niya. O gets n’yo na ba?

Si lalaki naman ay napapanood siya sa isang teleserye na madalas makita siya sa tubig.

Another clue, na-link minsan isang panahon ang aktres na bida today.

(By Fernan De Guzman)