Nora Aunor will be back in the Philippines for sure!

ADVERTISING

Nora Aunor will be back in the Philippines for sure!

Nora Aunor will be back in the Philippines for sure!OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes! Now na! Thanks God it’s Friday… dahil marami na naman akong isi-share na chikka sa inyo.

Talagang totoo na nga raw ang balitang darating na si Nora Aunor sa Pilipinas ngayon May 21, dahil nakausap ko rin ang no. 1 fan niya na si Albert Sunga. Nasabi nga raw ni Ate Guy na before her birthday siya darating, kaya aba-ngan na lang natin. Sigurado kasing ‘pag hindi siya dumating ay baka wala na talaga ang mga fans niyang sumusuporta sa kanya… ano kaya sa tingin n’yo? Darating kaya si Ate Guy o hindi?

DAHIL SA SUPER intriga na talaga ang dinaranas ngayon ng aking BFF na si Aiko Melendez, ayaw talaga nilang tantanan. Dapat siguro, idemanda ni Aiko ang nagsimula nitong isyu na ‘to, dahil lalong lumalala ang mga chismax na dinaranas niya simula ulo hanggang paa, na kaya nga sinabi niyang below the belt na ang paninira sa kanya.

Marami na nga ang nagsasabi kay Aiko na dapat idemanda ang puno’t dulo, para matauhan dahil hindi titigil ang nagsimula ng isyung ito dahil bayaran daw ‘yan ng kampo ni Mayor Enrico.

ADVERTISING

AT SIYEMPRE NAMAN, nais natin i-congratulate ang pelikulang Tumbok dahil Rated B ito sa Cinema Evaluation Board (50 % tax rebate) at haping-hapi naman ang Viva rito. Duma-ting nga si Rayver Cruz sa premiere night ng Tumbok upang magbigay-suporta kay Cristine Reyes, pero naging gentleman ito sa pagpapaubaya kina Carlo Aquino at Ryan Eigenmann upang maging escorts ng GF sa pagrampa nito sa red carpet.

‘Di ba talaga namang dapat ganyan talaga ang mga eksena ? At talagang napakabuti ni Rayver, dahil hindi na siya umeksena pa…

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong singer na ito na talagang napapabalitang bading, na talaga namang gustung-gustong sa ibang bansa mag-show? Bhuket? Para freeng-free siyang mang-hunting ng mga kalalakihan, dahil hindi siya masyadong kilala.

Sa bagay kung dito ay hindi siya tatantanan ng intriga… kaya naman kung ako sa kanya magpapakatotoo na lang ako para hindi ako mahirapan pang lumipad papuntang ibang bansa para lang mailantad ang katotohanan. Pakkk !

Kaya naman para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn  at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING