Nora Aunor, wala nang show sa TV5?!

ADVERTISING

Nora Aunor, wala nang show sa TV5?!

Nora Aunor, wala nang show sa TV5?!OLA CHIKKA now na! Don’t make your Monday a blue Monday! Ay, bagla, dusta, lapak, usmak… mga salitang Bicol na dapat itanong sa mga Noranians, kung ano na ang nangyayari sa Superstar.

Kasi naglabasan na ang mga bagong shows sa TV5. Kaloka! Wala man lang sa line-up si Nora Aunor, kung saan kahit papaano malaking contract star din nila ang nag-iisang Superstar.

Pa-etching ni Perci Intalan ng TV5, may malaking teleserye naman daw na naghihintay kay Nora oras na gumaling na ito sa pagpapa-opera sa Amerika sa kanyang lalamunan, at baka magsimula na ito sa September.
Ayaw ko na sanang magtanong kung bakit, kasi hindi naman ako pinakikinggan, Ilang beses na kaming nag-usap ni Boy Palma, hindi naman ako mapagbigyan sa mga dapat kong malaman. Huli naming pag-uusap, paalis na raw si Nora papuntang Amerika kasi magpapagamot, at oras na bumalik, tatawagan daw niya ako.

Ginawa ko ito alang-alang sa mga Noranians na hanggang ngayon, nagtitiwala pa rin sa akin, at nagtatanong kung ano na nga ang nangyayari sa kanilang idolo. Sabi sa akin, ngayong Agosto ang balik ni Nora. Sa bagay, wala pa naman, pero wala talaga tayong katiyakan kung kailan babalik si Nora. Para tayong nangangapa sa dilim.
At pakiyeme pa ni Perci, isang napakalaking soap daw ang naka-line-up kay Nora na hindi pa niya pwedeng i-divulge. Bakit? Dahil kahit sila hindi nila alam kung babalik pa si Nora o hindi na?

ADVERTISING

Alam kong naka-schedule ang operation ni Nora sa lalamunan this July 11. Aywan ko kung natuloy, dahil kahit ako nawala sa isip ko ang mga ‘yan, dahil naging abala lahat sa pagyao ni Dolphy kahit ang TV5, kasi kahit papaano naging talent nila si Dolphy sa huling sandali.

May nakarating pa sa akin at walang tigil ng katatanong sa FB kung totoong may inutangan na naman si Nora na isang reporter. Dapat i-verify ito ng TV5, lalo na si Perci or si Boy Palma, kasi kasiraan na naman ito ni Nora. Kasi kahit papaano, may tinatanggap na talent fee si guy sa TV5.

Calling Boy Palma, dapat alamin mo ito. Kung hindi totoo, gumawa ka ng action regarding this matter. Alam kong ikaw ang nakaaalam lahat ng mga ginagawa ni Nora bilang manager at pinagkatiwala sa ‘yo ng TV5. Sigurado naman akong hindi papayag ang TV5 na mangutang si Nora kahit kanino, at alam din ito ni Boy Palma kung may pera si Nora sa accounts niya sa TV5, dahil siya ang pinagkatiwalaang manager.
Kaya sa mga Noranian na nagtatanong sa akin, sorry, wala akong malay sa mga nangyayari kay Nora. Dapat may mga press release man lang si Boy Palma bilang manager ni Nora or sa mga pinagkakatiwalaang fans ni Nora tulad ni Albert Sunga, doon kayo magtanong. Honestly, nalalaman ko lang ang mga issue about Nora pag-open ko ng FB at binubuksan ko ang Nora Aunor Worldwide (NOW), na kung minsan, sila-sila, hindi ko maintindihan kasi hindi magkasundo. Samantala namang si Guy, pilit na pinagkakasundo ang mga dati niyang nakagalit.

Payo ko sa mga Noranian, kayo ang dapat makialam kung ano na ang nangyayari sa career ng nag-iisang Superstar. Dapat lagi kayong may ugnayan ni Boy Palma or Albert Sunga, na pinagkakatiwalan ni Guy. ‘Yun na, mabubuwang ako sa Earth sa inyo.

 

ISA PANG nakakaloka sa Earth ang sinabi ni Ogie Diaz sa kanyang column na kung nababasa ni Annabelle Rama ang mga pino-pose namin ni Chito Alcid sa FB, at kung may facebook account si Annabelle, malamang daw, sunud-sunod ang litaniya niya bilang ganti. Dahil binabanatan daw namin siya at puro negative ang mga sinasabi namin sa kanya.

Sorry na lang Ogie, kasi hindi rin ako marunong mag-tweet, dahil kung marunong ako, ganon din ang sasabihin ko. Kasi nagsasabi lang naman ako ng totoo. Dati may konting respeto pa ako sa kanya, kaya lang mula nu’ng sinabi niyang patay na ako, gusto ko lang ipa-ramdam ang ganti ng patay sa kanya.

Hindi ko siya titigilan, ipararamdam ko lang sa kanya na kahit papaano, sa 45 years ko sa industry, tanging siya lang ang lumapastangan sa akin nang ganyan. Napalalagpas ko ang karamihan ng mga banat sa akin, pero ang patayin mo ako, teka… babangon at babangon ako para ipagtanggol ko ang aking sarili. Kasi kahit papaano, may urbanidad ako.

Wala siyang karapatang maghusga kahit kanino man, lalo na’t hindi naman niya ako kilala talaga. Kasi, hindi naman dito sila naglagi nu’ng namamayagpag ang beauty ko. Nasa Amerika sila, nagtitinda ng kaldero.

Pasalamat siya’t nagkaroon siya ng mga anak na maganda at guwapo. Sayang, dati hinahangaan ko sila, lalo na si Richard Gutierrez, pero kahit paano love ko pa rin ‘yan. Hindi naman ako marunong magalit sa hindi ko kaaway. At ‘yan ang totoo.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING