Nora Aunor, wala nang pag-asang bumalik ang magandang boses?!

ADVERTISING

Nora Aunor, wala nang pag-asang bumalik ang magandang boses?!

Nora Aunor, wala nang pag-asang bumalik ang magandang boses?!NAKALULUNGKOT ‘YUNG kumalat na tsikahan tungkol sa kundisyon ngayon ni Nora Aunor tungkol sa diumano’y peligro na baka hindi na talaga maibalik pa ang normal niyang boses na minahal ng kanyang mga tagahanga.

Nitong huli kasi ay dinaan na lang sa blind item ang tungkol sa isyu, na mayroon daw mga beteranang manunulat at mga talent managers sa showbiz ang nagkukuwentuhan tungkol sa Superstar at kay Governor Vilma Santos-Recto.

Mas sumentro raw ang kuwentuhan tungkol sa kinaiinipan ng mga tao sa showbiz, kung bakit paulit-ulit na lang ginagawang dahilan, na kaya buma-balik sa ibang bansa si Ate Guy ay para maisaayos nga ang tungkol sa problema ng kanyang lalamunan para manumbalik ang kanyang boses.

Ang nadagdag na kuwento ay parang mayroon pa raw ibang dahilan, katulad na lamang diumano ng iba pang karamdaman ni Ate Guy, na sinasabi nilang hawig daw sa naging karamdaman ng yumaong Comedy King na si Mang Dolphy.

ADVERTISING

Pero habang nagpapatuloy raw ang nasabing kuwentuhan, mas marami ang pumapabor, na hayaan na lang natin kung hindi na bumalik pa ang normal na boses ng Superstar. Ang mahalaga ngayon ay narito na siya sa Pilipinas, nakakasama natin at nakakasalamuha ang kanyang mga tagahanga. Kung hindi man maibalik ang boses ni Ate Guy sa pag-awit,  nariyan pa rin naman at hindi kumukupas ang isa pa niyang talento, at iyon ay ang kahusayan niya sa pag-arte.

 

ISA TALAGANG malaking hamon sa sino mang lalaking manliligaw at makiki-pagrelasyon kay Ruffa Gutierrez ‘yung kanyang kontrobersiyal na sitwasyon bilang ina ng dalawa niyang anak na sina Lorin at Venice. Kasi nga, ang isa sa mahigpit na kundisyon ni Ruffa kung mayroong bagong lalaking magiging totoo sa kanya ay ang matanggap din nang buo ang kanyang mga anak, na sa turing ay itatrato na para ring tunay na anak.

Siyempre, ‘yang gandang ‘yan ni Ruffa ay maraming kalalakihan ang nag-a-attempt na ligawan siya. Pero lagi rin namang pumapasok ang mga babala ni Tita Annabelle Rama sa kanyang unica hija, na laging mag-ingat, dahil baka tikman lang siya ng mga nasabing kalalakihan, pero hindi naman paninindigan. Alam na alam iyon ni Ruffa. Na kahit matalim ang dila ng kanyang Mommy at gustong humarang kapag may gustong manligaw sa kanya ay napatutunayan naman niya na ilang lalaki na ang napalapit sa kanyang puso, pero hindi siya kayang ipaglaban. Papaano pa kaya nila tatanggapin sina Lorin at Venice?

Totoo rin naman ‘yung sinasabi ni Tita Annabelle, na ang lalaking kailangang makatuluyan ni Ruffa ay may kaya sa buhay. Kakaiba naman kasi ang lifestyle ni Ruffa, kaya nga bukod sa pagsuporta sa dalawa niyang anak, nagsisipag siya sa trabaho. Sakto na sana kung si Derek Ramsay ang bagong maging karelasyon ni Ruffa. Kaya lang, itinanggi na ng sister ni Richard Gutierrez na mayroon nang namamagitan sa kanila, dahil hindi pa naman daw sila ganu’n magkakilala ng ex-boyfriend ni Angelica Panganiban.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING