Nora Aunor, Vilma Santos at Lorna Tolentino, maglalaban-laban sa pagka-best actress!

ADVERTISING

Nora Aunor, Vilma Santos at Lorna Tolentino, maglalaban-laban sa pagka-best actress!

Nora Aunor, Vilma Santos at Lorna Tolentino, maglalaban-laban sa pagka-best actress!NAPANOOD KO na ang Burgos na si Lorna Tolentino ang bida, kasama sina Rocco Nacino, Allen Dizon, Tirso Cruz III at marami pang iba.

At bulung-bulungan nga sa preview na ‘yon na mahusay ang pagkakaganap ni Lorna bilang nanay ni Rocco na dinukot na hanggang ngayon na mag-aanim na taon na hindi pa rin nakikita.

Sabi pa nga nila na magiging mahigpit ang labanan sa pagka-best actres next year, dahil nga meron ding panlaban si Nora Aunor na Ang Kuwento Ni Mabuti at maging si Vilma Santos ay meron ding ilalaban na Ekstra sa ilalim naman ng Cinemalaya 2013.

Si Jeffrey Jeturian ang direktor ni Ate Vi, si Lorna ay si Direk Joel Lamangan at si Ate Guy ay si Direk Mes de Guzman.

ADVERTISING

Ang Burgos ay mapapanood din sa Cinemalaya sa huling araw ng festival.

Abangan ang patalbugan na ‘yan. Sino nga ba ang best, si Vilma, Lorna o si Nora.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING