Nora Aunor, US$50,000 ang kailangan para sa boses!

ADVERTISING

Nora Aunor, US,000 ang kailangan para sa boses!

Nora Aunor, US,000 ang kailangan para sa boses!

SA MULTI-NATIONAL SUBDIVISION sa Parañaque pala ang bahay na sinasabi ni Robin Padilla na pinapagawa ng kanyang misis na si Mariel Rodriguez, kung saan may kuwartong nakalaan para kay BB Gandanghari.

Pero inamin sa amin ng TV host-actress na ang mister n’ya raw talaga ang matagal nang nagmamay-ari ng lupang tinitirikan ng kani-lang pinapatayong dream house.

Parte rin daw si Robin sa paggastos sa pagpapagawa ng nasabing bahay nila, ayon sa misis nito, taliwas sa unang sinabi sa amin ng aktor noon na aming nasulat dito sa aming column na si Mariel lang umano ang nagpapatayo.

ADVERTISING

27th Birthday mismo ni Mariel ngayong araw na ito, pero gaya nang sinabi n’ya sa amin, hangga’t maaari, ayaw n’ya raw magkaroon ng celebration sa noontime show nila, o kahit na anong surprised birthday celebration.

Kasama na raw kasi sa kanilang nagdaang Europe trip mag-asawa ang selebrasyon ng kanyang kaarawan.

 

SPEAKING OF ROBIN Padilla, kinumpirma ni Laguna Gov. ER Ejercito na ito raw ang gaganap na Andres Bonifacio sa kanyang pelikula na pagsasamahan din nila ng nagbabalik na Superstar na si Nora Aunor .

Sabay raw pumasok sa mundo ng showbiz sina Gov. ER at Robin, kaya matagal na silang magkaibi-gan. Nu’ng huli raw silang nagkita ay inalok nito ang action star para sa papel ng bayaning si Bonifacio. Um-oo naman daw ito at sinabing kahit wala raw bayad o talent fee ay gagawin n’ya ang pelikula.

Nang ipaalam naman daw ni Gov. ER sa kanyang tiyuhin na si dating pangulong Joseph “Erap” Ejercito Estrada na makakapareha n’ya si Ate Guy na dati ring naging leading lady ng huli sa kanyang mga pelikula at na-link sa kanya noon hanggang sa magkatampuhan ang dalawa nu’ng 1998 presidential elections, dahil sa hindi pagsuporta ng Superstar dito, sinabi naman daw nito na sa pamangkin na sana ay kumita ang kanilang pelikula.

Nangako naman si Ate Guy sa direktor ng pelikulang si Tikoy Aguiluz na hindi na raw mangyayari ‘yung mga hindi magandang balita tungkol sa kanya noon habang gumagawa ng pelikula.

Naikuwento ni La Aunor na ‘pag nakaipon s’ya ng malaki-laking pera pagbalik n’ya sa Amerika, aasikasuhin n’ya raw ang pagpapagamot ng kanyang boses sa isang ospital sa Boston, kung saan din daw nagpa-treat ang Hollywood actress-singer na si Dame Julie Andrews. Fifty thousand US dollars daw ang kakailanganin n’ya.

 

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11 AM-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissimeon.

 
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING