Nora Aunor, tomboy rin sa gay movie nina Michael Pangilinan at Edgar Allan Guzman

Nora Aunor, tomboy rin sa gay movie nina Michael Pangilinan at Edgar Allan Guzman

Nora-Aunor-Michae-Pangilinan-Edgar-Allan-GuzmanTOMBOY SI Nora Aunor. Yes, sa katunayan may girlfriend nga siya at magkarelasyon sila ni Ana Capri na last Saturday ay nabuking namin.

Huwag mag-react, huh! Role lang ng aktres ang pagiging tomboy kung saan she plays the role of Edgar Allan Guzman’s mother sa pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako sa direskyon ni Joven Tan.

Yes, pumayag si Nora to play the role of a lesbian sa pelikula para tulungan ang “anak” niya na si EA at ang bagong love niyang si Michael Pangilinan who plays the love interest of EA sa movie.

Kung tama ang recall ko, gumanap na rin si Nora sa role ng isang lesbian sa pelikulang T-Bird at Ako, kung saan may eksenang hinalikan niya si Vilma Santos sa isang eksena.

Sa pagkakaalam ko, end of August ang showing ng movie ayon sa kaibigang Jobert Sucaldito na isa sa mga producer ng pelikula together with two other investors and Direk Joven.

Reyted K
By RK VillaCorta