Nora Aunor, tinira si PNoy; pangako ni Kris Aquino, mapapako?

Nora Aunor, tinira si PNoy; pangako ni Kris Aquino, mapapako?

Nora-Aunor-Kris-AquinoAWARE KAYA si Nora Aunor na ang slogan ng Aquino administration na “tuwid na daan” ay mula sa creative genius ni Boy Abunda?

Sa nakaraang rally marking the 20th death anniversary of Flor Contemplacion (ang OFW na binitay sa Singapore na binigyang-buhay ng Superstar), Ate Guy—who led the anti-PNoy crowd who clamoured for his resignation—made a sarcastic reference to the President’s tuwid na daan.

Bigla tuloy naming naalala ang casual talk namin ni Kuya Boy many years ago, him having broached the brilliant idea as to Pnoy’s direction his government wanted to embark on. Nag-flash back din sa amin ang guesting ni Nora sa The Buzz, kung saan sumalang siya sa interview ni Kuya Boy at ni Kris Aquino.

Out of the blue, nangako si Kris na sasagutin nila ng kanyang co-host ang hospital bills at airfare nito, respectively, para magpagamot sa Amerika. Kung kay Kuya Boy, for sure, walang kaso ang pangunguna ng kanyang idolo sa rally, but for Kris, big deal ‘yon.

Huwag sabihin ng ilang quarters na resulta ‘yon ng pagkakalaglag kay Nora bilang National Artist ng kasalukuyang rehimen. Ate Guy just found a most opportune time to echo the sentiments ng mas nakararaming Pinoy, her personal feelings set aside.

Ke si Nora o hindi pa ‘yan, the fact remains, we can freely express our thoughts.

 

BUTI NAMAN, hindi lang sa Celebrity Bluff exclusive ang mahusay na komedyanteng si Boobay, siya kasi ang featured guest sa episode this Sunday sa Ismol Family.

Boobay plays Lora, Polly, and Nana, bisita ng naturang pamilya na parang three-in-one instant coffee lang ang peg na tiyak ikababaliw ng mga viewers.

Samantala, what is PJ doing with his life, siya ba ang bagong Robinhood ng kanilang lugar o isa na rin siyang nabibiktima ng mga batang sindikato?

Paano ang gagawing pagdidisiplina nina Jingo at Majay kay PJ? Talaga bang nagkukulang ang mag-asawa sa pagmamahal sa anak?

May nakahahawang sakit naman daw si Jackie, na hindi ma-diagnose kung ano’ng sanhi. Ano ang gagawin ng buong barkada para isalba ang buhay ni Jackie, na patuloy na nanghihina?

Ito na ang episode na hinihintay ni Mama A. Kakayanin kaya niya ang inihandang sorpresa ni Lance, o ito na ang maghuhudyat ng pagbibitiw ni Lance sa sitcom na ito?

Abangan ang Ismol Family ngayong Linggo, 6:45 ng gabi.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III