Nora Aunor, tama na ang indie, kailangan nang gumawa ng commercial film

ADVERTISING

Nora Aunor, tama na ang indie, kailangan nang gumawa ng commercial film

Nora-AunorKUMPIRMADONG SI Angge (Tita A sa showbiz) na ang bagong manager ni Nora Aunor. Mismong ang sikat na talent manager ang nag-confirm nito sa isang kasamahan sa panulat.

Mahabang pag-uusap daw ang naganap bago napagpasiyahan ni Tita A na tanggapin si Nora. Kilalang istrikto si Tita A sa kanyang mga talent, kaya we’re pretty sure na ganu’n din ang gagawin niya kay Nora bilang bagong alaga niya. ‘Ika nga, pantay-pantay lang siya sa pag-aasikaso sa mga talent niya.

Feeling namin, may kinalaman si Kuya Germs (German Moreno) sa naganap. Kaibigan kasi ni Kuya Germs si Tita A. Marahil ay nagkausap ang dalawa nang minsang dumalaw ang talent manager sa Master Showman sa ospital noong kasalukuyang nandu’n pa ito.

As of this writing, nasa bahay na si Kuya Germs at medyo okey na raw ang kondisyon nito. ‘Yun lang, bawal pa rin ang mga bisita dahil bawal siyang ma-stress.

ADVERTISING

Die-hard fan ni Ate Guy si Tita A noong kasikatan ng Guy & Pip. Actually, maka-Nora-Edgar Mortiz siya, pero mas napalapit si Tita A kay Vilma Santos. Mahiyain kasi si Ate Guy noong panahon na ‘yun (hanggang ngayon naman), kaya tahimik lang ito at nagmamasid lang sa mga tao sa paligid niya. Ayun, mas naging close si Tita A kay Vilma na laging magiliw sa kanya.

Matutuwa siyempre ang mga Noranians na after Kuya Boy Palma ay nand’yan si Tita A para mag-alaga at humawak sa career ni Ate Guy. They’re hoping na makalabas muli si Ate Guy sa MMK, at finally ay magkaroon na ito ng pelikula sa Star Cinema. Marami kaming nakausap na Noranians na nagsasabing tama na raw ang paggawa ni Nora ng “art film”, dahil wala na itong dapat patunayan pa bilang isang magaling na aktres. Ang kailangan daw ni Ate Guy ay isang commercial film naman na muling magpapabalik at magpapabango sa kanya sa takilya.

Oo nga naman. Tsuk!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

ADVERTISING