Nora Aunor, puno ng pagkukunwari

ADVERTISING

Nora Aunor, puno ng pagkukunwari

Nora Aunor, puno ng pagkukunwariOLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Ano na naman ‘yan? Sabi nga ni Tita Cory nu’ng nabubuhay pa siya, ‘tama na, sobra na!’ Tigilan na ang kasinungalingan.

Paano ba naman kasi, lumabas sa isang tabloid (hindi sa Pinoy Parazzi) ang isang kahunghangan. Ang sabi, ‘Superstar Napahiya Kaya Rapper Iniwan ang Pamilya… Nora, Tinawag na Sugar Mommy ng Misis ni John Rendez sa Harap ng Madlang Pipol?!’

Kaloka, as in, talagang mabubuwang ka sa Earth. Look, kasi kinumpirma raw ni Laos Aunor sa one-on-one interview sa kanya ni Boy Abunda (sa kanyang birthday celebration… happy birthday, Kuya Boy!) sa The Buzz na pinagsalitaan daw siya noon ng masasakit na salita ng asawa ni John Rendez kaya ito hiniwalayan ng rapper.

Ayon daw kay Nora, pinagbintangan siyang sugar mommy ng misis ni John Rendez sa harap mismo ng maraming tao. Du’n na raw nagalit si John, dahil napahiya raw siya sa bagay na wala namang katotohanan.

ADVERTISING

Kaya nang tanungin ni Kuya Boy kung ano talaga ang relasyon nila ni John, sabi niya, pamilya talaga ang turing niya rito, dahil sa halos 8 taon nilang pagsasama sa America. Si John daw ang naging sandigan niya, bumibili ng gamot kahit alas-kuwatro ng madaling-araw kapag may sakit siya. At ito rin daw ang nag-aalaga sa kanya habnag nadoon siya.

Teka, ito ba ay katotohanan o kasinungalingan? Sabi nga, lokohin mo ang lelong mong panot, Nora Aunor! Tama na ang paawa epek. Sawa na ang tao sa paawa-awa mo. Tama na ito.

Makinig ka, kung totoong walang mag-aalaga sa ‘yo, bakit hindi mo isinaman ang mga ampon mong dalaga pa noon na si Matet at ang dalawa mong ampong lalaki na sina Kiko at Kenneth? Kung hindi ako nagkakamali, bagkus nu‘ng iniwan mo sila, hindi naman yata nag-aral.

Bakit si John, hindi mo naman siya ampon, siya ang isinama mo? Tapos may lakas ng loob kang sabihin na ‘pamilya’. Over my dead body, sira lang ang ulong maniniwala sa sitwasyon na sasabihin mong ‘si John, puro na lang si John’. Dapat kahit papa’no, kung tunay kang may pagmamahal sa mga anak mo, sana sila ang isinama mo. Hindi mo sila pinabayaan, at alam kong iyan ang dahilan ng napakalaking tampo sa ‘yo ni Lotlot. Sana, magpakatotoo sina Matet na magsabi ng totoo kung bakit hindi sila isinama sa America. Bakit si John?

Karapatan lang namang sabihin ng asawa ni John na baka nga sugar mommy siya ni John. Bakit may asawang tao at anak, ang nguso laging nasa iyo? Sobrang paghanga na ‘yan! Buti kung bakla si John na puwede mong mapaniwala ang tao na nagsama kayo sa Tate nang walang ano pa man.

Kaya hindi maka-move on ang career mo, Nora, kasi puro ka pagkukunwari, sayang ang ibinigay ni Lord na talino sa pagkanta at pag-arte na tunay na hinangaan sa ‘yo ng tao. Ikaw mismo ang sumira sa sarili mo. Aber, bakit nawala ang boses mo? Bakit hindi na tinatangkilik ang mga pelikula mo? Kasi hindi ka nagpakatotoo, marami na ang naiinis sa ‘yo.

Ako, tao lang na ginagawa ko ang trabaho ko. Magalit na ang magagalit, opinyon ko lang ito. Kasi kung tunay kang nagmamalasakit sa mga anak mo, may napatapos ka man lang sa lima mong anak. Ako, kahit hindi mo katulad na halos ibinigay na sa ‘yo ang suwerte, napatapo ko ang mga anak ko.

Kaya ko nasasabi ito, kasi kung libakin ako ng ilang Noranians na walang urbanidad, halos patayin na nila ako at murahin nang walang pakundangan. Ngayon, sino ang kamura-mura sa amin? Kayo ang humusga. Tao lang po!

Hinanda ko na po ang aking sarili sa mga batikos na aabutin ko sa mga Noranian, na hanggang nagyon, hindi pa rin natatauhan sa kanilang pagsamba sa kanilang idolo. Alam ni Nora ‘yan, kung bakit masama ang loob ko sa kanya. Siya ang tanungin n’yo.

Ang mga Noranian, wala naman silang alam kung abkit ako nagkakaganito. Nasabi ko na rin ito kay Jobert Sucaldito, nag-usap na kami. Kahit si Boy Palma, hindi makapaniwala na magkakaganito ako. Sana magpakatotoo si Nora at magsabi ng tama sa ginawa niya sa akin na habang buhay ako, hindi ko malilimutan. ‘Yan ang dapat n’yong alamin sa kanya.

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING