Nora Aunor, pumalit na kay Kuya Germs sa “Walang Tulugan”

ADVERTISING

 alt=

1 Nora-Aunor
COURTESY OF TWITTER: SCORPIONE63
2 Nora-Aunor
COURTESY OF TWITTER: SCORPIONE63

Humalili na si Nora Aunor sa nabakanteng puwesto ni German “Kuya Germs” Moreno bilang host ng Saturday night variety show na “Walang Tulugan With The Master Showman” sa GMA.

Matatandaang mula nang iburol ang mga labi ni Kuya Germs sa Mt. Carmel Shrine sa Broadway noong hanggang sa ilipat ito sa compound ng GMA Network noong Miyerkules, January 13, hindi nagpaunlak ng interbyu sa media si Nora para sa kanyang namayapang bestfriend.

Sa libing ni Kuya Germs noong Huwebes, January 14, sa Loyola Memorial Pak sa Marikina City, sinorpresa ng Superstar ang lahat nang mag-volunteer siya na i-takeover ang programang naiwan ng Master Showman sa TV.

“Kung p’wede lang sanang ako ang magpatuloy ng Master Showman. Nakahanda po ako na ako ang gagawa ng mga ginawa, sapagkat alam ko po na mahal na mahal niya ang show na iyon,” pahayag ni Nora.

ADVERTISING

Nais ni Nora Aunor na ipagpatuloy ang iniwang legacy ni Kuya Germs sa showbiz industry.

“Kung hindi po aalisin ang show, gusto ko pong ako ang magtutuloy ng show niya para magpatuloy ang pagtulong niya sa mga kabataan ngayon na gustong pumasok sa industriya at makita ng mga tao ang talentong ibinigay sa kanila,” dagdag pa ng Superstar.

Pumanaw si Kuya Germs, Biyernes nang madaling-araw, January 8, matapos ma-cardia arrest, isang taon matapos na makaranas ng mild stroke ang Master Showman.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING