Nora Aunor, paurong na ang career?!

ADVERTISING

Nora Aunor, paurong na ang career?!

Nora Aunor, paurong na ang career?!

TAMA BA ang balitang nakarating sa amin that Nora Aunor will be part of the cast of TV5’s Enchanted Garden?

Kaloka, ano gagawin ni Nora sa isang pantasya-serye habang ang mga bida na sina Alice Dixson, Ruffa Mae Quinto at Ruffa Gutierrez ay mga diwata ang role na ginagampanan, ano ang gagawin ni Guy sa serye?

Don’t tell me that Nora will play as a fairy? Or shall I say a fairy godmother?

ADVERTISING

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit paurong yata ang career ni Guy mula nang bumalik siya after eight years na pamamalagi sa Amerika.

At first, her teleseryeng Sa Ngalan Ng Ina as her biggest project to date sa kanyang pagbabalik was not impressive para maramdaman ko.

Her TV guesting in Face to Face: The Untold Story and Third Eye ay tila maligamgam na tubig na hindi man lang naramdaman ng mga regular na manonood ng show ang kanyang guesting.

Yes, I admit na ang mga Noranians na puro dakdak lang sa FB account ng NOW (Nora Aunor Worldwide) ay tila natutulog sa mantika habang nag-iipon nang pambayad ng sine ‘pag pinalabas na ang Thy Womb ng idol nila come November.

Biro nga ng isang kaibigan namin na close kay Guy: “Baka ang role niya ay reyna ng mga dwende sa teleserye.”

 

NAPAKA-PHYSICAL NG role ni LJ Reyes sa pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicle.

Tumbling, gapang, lundag ang ginawa ng baguhang aktres (we were impressed sa ipinamalas niyang acting sa Intoy Shokoy sa nakaraang Cinemalaya).

Bilang isa sa mga tiktik (apat silang mga bagets na aswang) feeling ko, pagod na pagod ang mga artista (bit players man or bida) na gumanap sa ganu’ng role dahil sa napaka-physical ng requirements ng role.

Pero sa totoo lang, napaka-seksi ng moves ni LJ kahit naka-harness sila sa kanilang paglundag at pag-tumbling.

Recently, sa Tweeter message ni LJ; oks sa kanya na pagnasaan ang kanyang partner na si Paulo Avelino na isa sa sexy hunk sa kasalukuyan. “At least may nagnanasa sa kanya kaysa sa wala,” mensahe niya.

Kung maalala pa, matapos silang magkaroon ng anak ni Paulo (two to three years ago) noong si Paulo is still with GMA 7 (is it true na pinapapatay ng Kapamilya Network ang anggulong ito para maging desirable “bachelor” pa rin ang actor the fact na isa na siyang binatang ama); ang gusto ng Dos, ang image ni Paulo ay single and unattached pa rin.

Kung titingnan mo ang itsura ni Paulo, oozing with sex appeal pa rin ang binatang ama. No wonder, pantasya pa rin siya ng mga kababaihan na handang ibaba ang mga panties at lalo ng mga mga bekies na handing magwaldas ng milyones na nagpapantasya sa kanya.

 

TIGILAN NA ang paggamit ng pangalan ni Nora Aunor para mapag-usapan ang rap music CD ni John Rendez na muling nagpaparamdam sa music industry noong hindi nagkaroon ng katuparan ang pangarap niya na maging isang Francis Magalona, Adrew E. o Michael V. man lang.

In fairness, may ilang magagandang rap music na nakapaloob sa CD ni John na hopefully ay mapansin na this time.

Sa panahon ngayon na hindi na uso ang gimik para lang mapag-usapan ang isang project, we love two entries sa CD. Danceable ang beat kahit sabihin na iisa ang beat pero p’wede na.
Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING