Nora Aunor, pansahog na lang?!

ADVERTISING

Nora Aunor, pansahog na lang?!

Nora Aunor, pansahog na lang?!OLA CHIKKA now na! Now na talaga! Ano na naman ito, Xixi Maturan? Kakabaliw naman itong Aliwan Ave-nue na ito. Nu’ng isang araw, itong si Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista ang pinagdiskitahan, ngayon naman ay itong naghihingalong career ni Nora Aunor, na ang sabi niya ginagawang ‘bawang’ na nga raw ba ng TV ang Superstar na si Nora Aunor?

Ayon kay Xixi, “Nagdiwang ang fanatics ni Superstar Nora Aunor nang nagdesisyon siyang umuwi at mu-ling sumabak sa larangang kanyang minahal. Maraming espekulasyon dahil nga siya ay kagyat na kinontrata ng TV5 na namumutiktik daw sa pagmumudmod ng malalaking TF sa kanilang talents. Na sigurado ang ilang douting thomases na magi-ging maganda ang ilang proyektong na kinasasangkutan ng 59 years old comebaking actress.

“Pinalakpakan nga naman ang kanyang teleseryeng Sa Ngalan ng Ina, kahit na nga hindi niya nakabog ang ratings. Maya’t maya napagkikita siya sa mga sa lives shows ng network ni Manny P. Ngunit higit pa doon ay wala na. At heto na nga sa muling pagsalang muli sa showbiz pagkaraang magbakasyon muli sa America ay walang klaradong project na pangu-ngunahan niya, kundi ang pagsahog sa kanya sa iba’t ibang walang brilyo at excitement na palabas ng TV5. Balitang ka-join siya ng reyna ng mga engkatada of sorts sa kanilang plastic flowers telefantasy.

“Hanggang gano’n na lang ba ang kayang ibigay sa nag-iisang Superstar? Pansahog na lang na parang ‘bawang’? She sure deaserves better exposure than being merely accidental, para mabayaran ang ilang clauses sa kanyang kontrata. Hello? Hello?”

ADVERTISING

Inuulit ko, hindi sa akin nangga-ling ito, ha? Baka mamaya, murahin na naman ninyo ako. Sa bagay, manhid na ako sa mga pagmumura n’yo, kasi ayaw kayong tumanggap ng katotohanan. May nabasa pa nga ako sa isang write-up na kung sina Ruffa Gutierrez, Alice Dixson at Rufa Mae Quinto ay mga reyna engkantada ng Enchanted Garden, si Nora raw ay reyna ng mga duwende sa fantaser-yeng ito. Sana raw kasama niya sina Mahal at Mura.

Isa pang nakakalokang tsika ay ang pagkasali ng Thy Womb sa MMFF. Kasi may nag-back-out yata na isang pelikula na hindi na makaaabot sa playdate ng nasabing festival. Kaya dalawa raw ang entry ng lola n’yo. At inaasahang hahakot ng awards, pero pagdating sa box-office kulelat, kasi wala nang Noranians na nagtitiyaga sa ugali ng isang Nora Aunor or wala ng Noranians na talagang solid sa kanya, kung hindi karamihan sa kanila ay fake.

Hindi tulad ng Vilmanians na hanggang ngayon systematic pa rin ang pagpapatakbo ng kanilang samahan, ‘di ba, Willie Fernandez? Kay Nora? Sino? Wala akong kilala na, kasi karamihan din sa kanila, kinupasan na rin ng panahon at lumipat na sa ibang kampo. Say mo, Pilar Mateo?

Pero ang pelikulang Thy Womb ay isang indie film, ‘di ba? Hindi p’wede ang indie sa MMFF. Nagtatanong lang po.

 

BLIND ITEM: Sino itong magaling na singer performer na balitang labas masok na naman sa rehab? Kasi, balik na naman siya sa dating gawi. Ito nga ang nagtulak noon sa isang sikat na acctress para magumon din sa pinagbabawal na gamot.

Pero balitang nakalabas na naman at magbabago na naman daw sa ilang beses na pagkakataon.

Naku, parang huli na, kasi kasing edad ko lang itong magaling na singer performer na ito? Marami siyang kapangalan sa showbiz, at mga guwapo!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING