Nora Aunor, nilayasan na ng mga pinagkakatiwalaang tauhan

Nora Aunor, nilayasan na ng mga pinagkakatiwalaang tauhan

Nora-AunorMUKHANG CONFIRMED na wala na nga sina Albert Sunga at Boy Palma sa poder ni Nora Aunor. Before December, kumalat kasi ang balita na isa-isang naglayasan ang mga “trusted” aides ni Nora sa kanya.

Unang nawala ay ang loyalistang si Albert who will die for his idol Nora Aunor. Ito’y noon bago pa man natauhan marahil si Albert na at na-realize niyang may sarili siyang buhay. Next na umalis ayon sa kumakalat na balita ay ang sinasabing “manager” ni Nora na si Boy.

Ang balitang kumakalat, hindi pa rin magkasundo ang dalawa lalo pa’t pilit pa rin ni Guy na isama si John Rendez sa mga showbiz activities nito. May balita nga na nakarating sa amin na sa isang international event kamakailan, pinagsabihan diumano si Nora na huwag magpakuha ng picture sa local media doon (sa Australia yata) na kasama itong si John. Pero sa katigasan ng ulo ay hindi napigilan at itinuloy pa rin ang piktyur-piktyur niya together with John na ang sabi-sabi, ito na raw ang nag-trigger kay Boy na mag-desisyon na hayaan na lang si Nora sa gusto niya at diskarte. Tulal, hindi naman daw nito sinusunod ang manager.

Even a German Moreno or a Boy Abunda of Philippine Showbiz, ‘di nga ba’t sumuko na rin in managing Nora?

Sa Facebook account ni Albert, nag-post siya ng New Year’s eve dinner photo nila ni Boy Palma at ang dating BFF ng aktres na si Glenda Kennedy. Walang Nora Aunor sa photo.

Tanong ko kay Albert, ‘asan si Nora. Sinagot nito ang FB question ko, “Ay, itanong natin kay Kuya Boy Palma. May sarili po ‘ata silang New Year’s celebration…” sagot ni Albert sa amin.

Nothing follows. ‘Yun na!

Reyted K
By RK VillaCorta