Nora Aunor, napapaligiran ngayon ng mga plastik na tao!

ADVERTISING

Nora Aunor, napapaligiran ngayon ng mga plastik na tao!

Nora Aunor, napapaligiran ngayon ng mga plastik na tao!OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Ayan ang mga intrigang nakakaloka to the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly, nakakawindang at nakakaloka.

ADVERTISING

Ayan talagang heto na nga ang eksenang pinakaaabangan n’yo na talagang nandito na si Nora Aunor sa Pilipinas, dahil nga talagang kahit naman siguro sino ay papatulan talaga ang in-offer ng TV5 na talent fee ng Superstar.

Kaya lang, ang nakakawindang dito ay talagang hindi naimbitahan ang mga totoong Noranians dahil ang mga namamahala ngayon dito ay mga hindi nagpapakatotoo. Ngayong nandito na sa Pilipinas si Nora akala mo kung sino itong umaamo kay Nora, pero nu’ng wala naman dito sa Pilipinas, at akala niyang hindi na babalik, puro paninira lang ang alam niyang gawin at below the belt na nga minsan ang mga isinusulat niya. Pero ngayon, ano na ang ginagawa mo, talagang napapatunayan sa ‘yo na ikaw ay if money talks everybody listen.

At heto pa ang chikka na talaga naman… ang masasabi ko lang ang mga pumapaligid ngayon kay Nora ay talaga namang mabibilang mo lang dito ang mga totoong Noranians ngayon. Ang iba naman ay talagang ang masasabi mo lang ay mga fake Noranians. Ano naman ang mase-say mo rito, ‘di ba?

ADVERTISING

I’m sure mukhang hindi magki-click ang mga gagawin niyang mga projects, dahil sa mga nakapalagid sa kanya. Pero marami rin ang nagtatanong kung makakanta pa kaya ang Superstar. Mukhang sa tingin ng karamihan ay hindi na muna, kasi nga sira na talaga ang boses niya. Pero naman sa pag-arte ay talagang napakagaling niya, dahil mata pa lang niya ay umaarte na.

Isa pa rin talaga akong totoong Noranian, kaya ang masasabi ko, good luck sa ‘yo, lalung-lalo na sa mga nakapaligid sa ‘yo na dati kung makapanira sa ‘yo, sagad hanggang buto. Lalung-lalo na sila Cristy Lucyfermin at Shalala. Ngayon, dahil taga-channel 5 sila, todo ang papuri nila. Dahil para silang umamong tupa. Ano ba naman ‘yan, magpakatotoo kasi kayo! At kaya rin tinanggap ng Superstar ang offer, dahil isa yata ito sa dahilan ng pagpapagamot ng kanyang kalagayan dahil mahal nga raw ito at merong posibilidad na babalik siya agad sa Boston para magpa-opera.

Naku nakakaloka, ‘di ba? Kung alam n’yo lang! Hahaha! Nakakawindang talaga, hindi ko kinikeri ang mga taong manggagamit.

Hunyango talaga itong si Cristy. Kawawa naman si Nora na parang inilulublob ka sa kumunoy sa paninira… at ang napuntahan mong istasyon ay punung-puno ng hunya-ngo at kaplastikan, na wala namang totoong Noranians d’yan.

Bakit kaming mga totoo, kahit dikdikin mo at igiling mo nang pinung-pino, nananalaytay pa rin sa aming dugo ang pagiging Noranians. Sana makarating sa iyo ito, Nora Aunor. Kasi ayaw nina Richard Sumberyo, Gema Aguilar, Willie Yabut, Bengie Apalbi, at ewan ko lang si Albert Sunga.

Sana makarating ito sa ‘yo, Nora Aunor. Hindi po ako nagsa-sourgraping, kasi nagsasabi lang po ako ng totoo at nagpapakatotoo lang ako. Kaya naniniwala talaga ako na sa showbiz industry, walang permanenteng kaibigan at permanenteng kaaway. Kasi puro kaplastikan!!! ‘Yun na!

 

KAYA KUNG AKO sa inyo, para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si Lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha? Siyempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING