Nora Aunor, naging katawa-tawa ang paandar sa FAMAS

ADVERTISING

Nora Aunor, naging katawa-tawa ang paandar sa FAMAS

Nora-AunorKATAWA-TAWA ANG paandar ng laos na superstar na si Nora Aunor. Umeksena ba naman siya at talagang she dedicated her Iconic Queen FAMAS Award kina Marian Something at Bea Alonzo.

ADVERTISING

Ano ba si Ate Guy, nahihibang? Wala namang kinalaman sina Bea at Marian sa kanyang career, ‘no!

Si Marian, isang beses lang niyang nakasama sa Sunday noontime show ng Siyete. Si Bea, ewan kung nagkasama sila, pero ang alam namin ay never, so it doesn’t make sense na banggitin niya ang mga ito sa kanyang speech.

“Bea Alonzo pwede pa! I like Marian too, pero acting wise, di naman sya ganon kabongga,” say ng isang fan.

ADVERTISING

“Tanong lng po, nakasama na po ba ni Ms. Nora sina Bea at Marian?” say naman ng isa pang tagahanga.

“Eh wala ngang box office si Marian. Si Bea talaga ang dapat na iconic sa generation nila kaso mas mataas talaga ata kita ng movies ni Sarah. Pero kung sa galing, alam naman nating lahat na the best talaga si Bea sa panahon nila ngyon,” one guy opined.

“kahit napakaraming flop movies ni bea at marian eh noh? Hahaha. bea has dreamboy, pakpak dr. kwak, sayo lamang. marian has kungfu divas, tarot, temptation island. lol you cant be a movie queen if ang dami mong flops. Kaloka,” said another guy.

Of the two, mas walang karapatang maging Iconic Movie Queen si Marian dahil most of her movies were veritable flops. She’s more apt to be called Movie Flop Queen!!!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING