Nora Aunor, nag-walk-out sa gala night ng kanyang pelikula sa Cinemalaya?

ADVERTISING

Nora Aunor, nag-walk-out sa gala night ng kanyang pelikula sa Cinemalaya?

Nora Aunor
Nora Aunor

Is it true na nag-walk-out si Nora Aunor sa gala night sa screening ng kanyang pelikula with Barbie Forteza na “Tuos”?

Sabi ng mga kaibigang nanood, noong cocktails prior to the show ay super tsika ang aktres sa mga bisita na manonood ng pelikula niya.

Pero heto’t naibalita sa amin ng isang kakilala na nandu’n sa gala night na nag-walk-out daw si Nora Aunor sa kalagitnaan ng show.

“Halos magkatabi kami ni Mama Guy. Nasa unahan ko lang ‘yong upuan na inuupuan niya. Pero after 30 minutes yata ‘yun, tumayo siya. Umalis na akala ko nga nagpunta lang ng comfort room para mag-jingle. ‘Yun pala hindi na siya bumalik,” kuwento sa amin ng isang hardcore Noranian na source namin.

ADVERTISING

May balita kasi prior to the gala na tila dismayado raw si Guy sa kinalabasan ng pelikula na ‘di hamak na mas maganda diumano ang role ni Barbie kaysa sa kanya. Mas maraming eksena si Barbie kaysa kay Nora, ayon sa kuwento ng mga nakapanood.

Pero as a whole, waley commercial value at milagro na mag-hit sa box-office ang naturang pelikula, say ng isang indie film addict.

Sa mga film festivals ay oks lang na rumatsada ang aktres. Oks lang na kaliwa’t kanan ang mga indie films niya na hindi naman kumikita. Oks lang sa career plan niya na ang mga projects niya ay wala nang patutunguhan kundi du’n sa kangkungan at baka hindi pa nga mabawi ang puhunan ng producer.

Kaya-kanyang trip lang ‘yan. Gusto raw ni Guy na maging Reyna ng Indie Films. Deadma sa box-office appeal ng kanyang pelikula. Or makabawi man lang sa puhunan ang producer, hindi na diumano concern ng aktres.

Sige walang basagan ng trip. Tutal waley na rin na naman si Nora. Napaglumaan na rin naman siya kaya more indie films, more floptsinang pelikula. ‘Di ba Ogie Ignacio, Albert Sunga, friend Vonnel Mirandilla, at Ms. F.?

Promise, panonoorin ko ang “Tuos”. Naiintriga ako sa karakter ni Nora bilang isang “binukot” na prinsesa sa kabundukan ng Panay Island sa Western Visayas.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING