Nora Aunor, mayamang fan ang umano’y bagong business manager

ADVERTISING

Nora Aunor, mayamang fan ang umano’y bagong business manager

Nora Aunor
Nora Aunor

May nag-send ng private message sa Facebook namin asking kung sino raw ba si Mari Cusi?

We replied sa nagpadala ng mensahe sa amin na hindi namin siya kilala.

Kasi raw ang yabang ng dating kapag may mga fans si Nora Aunor na gustong makalapit sa aktres.

Totoo raw ba na ito ngayon ang tumatayong manager ng dating “Superstar” na nagpapahiram kay Nora Aunor ng kanyang saakyan at tagabili ng kung ano man ang hilingin ng aktres na pinagbibigyan naman daw nitong si Mari?

ADVERTISING

Para makasiguro, we’ve checked with some Noranian friends namin at nagtanung-tanong.

Kilala raw nila si Mari, pero hindi nila sure kung ito ang tumatayong business manager ni Nora, ayon sa mga bali-balita.

Sa text message na ipinadala ng isang kaibigan namin, “Siya ‘yong mayamang fan ni Nora na palaging nakabuntot kay Guy. Siya ‘yong nagpapagamit sa sasakyan niya na kapag kailangan ni Mama Guy ng service. Siya rin ‘yong fan ni Nora na kung ano ang gustong kainin ni Nora na kahit disoras gabi ay bibilhin at ipahahatid niya ito sa haybols ng dating Superstar.

“Pero I just don’t know kung siya ang manager ngayon ni Nora. Basta ang alam ko, maraming mga “can afford” na faney ni Nora ngayon ang pumapapel sa aktres at isa na nga itong si Mari Cusi,” mensahe sa amin ng kaibigang Noranian.

Is it true na mula sa kampo ni Mari and company rin ang nagpasimuno ng pagkakalat ng balita (na tuloy na-preempt) ng guesting ni Nora sa “Gandang Gabi Vice”?

Masyado raw na-excite ang ilang Noranians sa guesting ng aktres sa Sunday show ni Vice Ganda. Hindi pa man nakukunan ang naturang episode, naglabas na sila ng kung anu-anong publicity sa TV guesting ni Nora, na tuloy inunahan nila ang official announcement ng show’s publicist. Nang magkaroon ng technical problem sa supposed to be taping ni Nora, hayun na-cancel ang taping.

No wonder na ang ilans Vilmanians ay tahimik na lang na natawa sa sitwasyon, na deadma sa ginawang kapalpakan ng mga Noranian.

“Atat naman kasi. Wala pa ngang taping, inunahan na nila,” naikuwento sa amin ng isang Vilmanian recently.

If this item reaches Mari, sana makipag-ugnayan naman siya sa amin. We want to know kung siya na ba ang pumalit kay Kuya Boy. She can reach us thru our Instagram account (@rkvillacorta) to confirm some issues. Salamat.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING