Nora Aunor, may malaking hinanakit sa mga anak

Nora Aunor, may malaking hinanakit sa mga anak

Nora Aunor
Nora Aunor

Sa presscon ng one shot-deal episode for MMK ni Nora Aunor kahapon ay umiyak daw ang aktres ayon sa mga nakasaksi.

Iniyakan ni Nora Aunor ang sitwasyon ng nakababatang kapatid na si Buboy Villamayor na naka-confine pa rin sa FEU Hospital since July of 2015, dahil na-stroke ito na until now ay hindi pa rin nito naigagalaw ang kanyang katawan.

Kaya nga malaki ang tampo ng aktres sa mga anak niya, dahil as of this writing ay hindi pa rin dinadalaw ng mga anak ng aktres ang kanilang tiyuhin na isa sa mga kapatid ni Nora na napakalapit sa kanya.

Si Buboy na minsang pumasok din sa showbiz na kasabayan nina Winnie Santos, Dondon Nakar, at ang pinsan na si Maribel (aka Lala) Aunor sa panahon ng mga teenstars na ang tawag ay “Apat na Sikat” in the mid-80’s.

Pero may komentaryo ang isang sowbiz miron: “Huwag masyadong maghanap si Nora sa mga mga anak ng pagmamahal, dahil siya rin mismo, nang namatay ang tiyahin niya na si Mamay Belen na siyang nag-alaga sa kanya sa simula pa lang ng kanyang singing career ay ni silip sa burol o nagpadala man ng bulaklak ng patay ay hindi niya nagawa.

“Mabuti pa ang anak niyang si Ian (De Leon), nag-effort na makadalaw sa burol ng kanyang “Lola Belen”. Habang si Nora, ni amoy o anino, wala.

Basta ako quite na lang. Next topic na nga lang please…

Reyted K
By RK VillaCorta