Nora Aunor, maugong na sa National Artist award

ADVERTISING

Nora Aunor, maugong na sa National Artist award

Nora-AunorKAHIT MARAMI ang tutol na maging National Artist si Ms.Nora Aunor, maugong ang balitang sa kanya ibibigay ang prestigious award na ito. Deserving naman talaga ang Superstar kung achievement din lang ang pag-uusapan as an actress/producer. Malaki ang nai-contribute ni Ate Guy sa movie industry, hindi mapapantayan ang nagawa niya. Isang tunay na alagad ng sining si Ms. Aunor. Kahit nga ilang miyembro ng Gawad Urian ay sang-ayon kay Ate Guy ipagkaloob ang award na ito.

Sunud-sunod ang indie films na ginagawa ngayon ng Superstar. Katatapos lang niya ng Dementia, first directorial job ng Singko entertainment head, Perci Intalan. Siya rin ang producer nito under Ideas First Film Production. Gusto rin ni Direk to venture into producing and directing TV shows. Sisimulan na ring gawin ni Ate Guy ang Yolanda under the direction of international award-winning director Brillante Mendoza. Nand’yan pa ang Hustisya with Rocco Nacino as her leading man sa direksiyon naman ni Joel Lamangan. Kakaiba ang role na gagampanan rito ng magaling na actress, kaiinisan daw natin si La Aunor.

 

TOTOOO NGA, nakaiintriga ang bawat eksena ng seryeng Ang Dalawang Mrs. Real nina Maricel Soriano, Lovi Poe at Dingdong Dantes ng GMA-7. Mabilis ang facing, mahuhusay ang mga artistang nagsisiganap, hindi boring panoorin. Pakiwari nga namin, pagalingan ng akting, lalo na si Lovi, nakikipagsabayan sa Diamond Star sa galing umarte. Mukhang dinidibdib ng bawat artista ang kani-kanilang character na pino-portray. Hindi naman nasayang ang kanilang effort dahil ramdam na ramdam namin ang presence nila sa serye.

ADVERTISING

Sakto lang ang acting ni Lovi, tama lang sa kanyang character. Maging si Maria, wala pa ring kupas sa aktingan. Super relax naman si Alessandra de Rossi sa kanyang role, ang lakas ng impact kapag eksena na niya. Ang gagaling nila kaya’t na-hook na kami sa panonood ng show na ito.

Habang tumatagal, lalong gumaganda ang istorya, hindi malayong maungusan nito ang kasabayan nitong serye. Ang balita nga namin, hataw na sa taas ng rating ang serye. To think na kasisimula pa lang nitong umere sa telebisyon. Congrats!

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING