Nora Aunor, marami raw matututunan kay Rocco Nacino

ADVERTISING

Nora Aunor, marami raw matututunan kay Rocco Nacino

Nora-Aunor-Rocco-NacinoSI ROCCO Nacino naman ang makakasama ni Nora Aunor sa pelikulang Hustisya na ididirek ni Joel Lamangan. Isa ito sa entries para sa Cinemalaya.

Kapag kabilang sa new generatio of stars ang kanyang nakakatrabaho, may advice bang naibabahagi ang Superstar sa mga ito?

“Wala naman,” nangiting sabi ng aktres. “Actually magagaling sila kaya hindi na kailangan na turuan.”

Pero kapag mga bagong artista nga, may tendency na kabahan kapag siya na ang makaeeksena.

ADVERTISING

“Hindi!” sabay ngiti ng aktres. “Sinasabi ko naman sa kanila ‘yon kapag naramdaman kong medyo kinakabahan sila. Sinasabi ko na… huwag silang kakabahan.

“Kasi ako, hindi lang nila halata pero… ninenerbiyos din ako!” sabay tawa ni Nora. “Bawat eksena, ninenerbiyos din ako talaga.”

Si Rocco, pinaghahandaan daw nang husto ang kanilang mga magiging eksena.

“Naku, iyon din ang hinihintay ko… ang magkaeksena kami rito sa pelikulang ito. Hinihintay ko ang mga eksena naming darating dito sa pelikulang ito. At ang mangyayari nito… marami akong siguradong matututunan sa kanya dahil alam kong magaling na artista si Rocco. At, ah… magkakatulungan kami.”

Nakatutuwa namang marinig mula sa tinitingalang nag-iisang Superstar ng bansa na may mga natututunan din siya sa mga new generation of stars na nakakatrabaho niya.

“Oo naman!” muling nangiting sabi ng aktres. “Pakiramdam ko, marami pa rin akong mga dapat na matutunan. Hindi naman ako si Superwoman na… ‘di  ba? Hindi ako perpektong tao.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING