Nora Aunor, mabubulilyaso ang multi-million peso-endorsement dahil sa manager?

ADVERTISING

Nora Aunor, mabubulilyaso ang multi-million peso-endorsement dahil sa manager?

Nora-AunorTOTOO BA na nainggit si Nora Aunor kina Vilma Santos at Boy Abunda kung saan ang dalawa ay may ine-endorso na mga botika?

ADVERTISING

Pero si Ate Guy, mas raratsada kung hindi lang nabulilyaso ang transaksyon nila (kung sino man ang business manager niya ngayon) with the biggest and original drugstore sa bansa bago pa man isinilang ang dalawang kompanya na ini-endorso nina Kuya Boy at Ate Vi.

May nakapagsabi sa amin na nasilat diumano ang deal ni Ate Guy with the drugstore, dahil totoo ba na tila masyadong pakabig ang monetary deal ng manager niya with the drugstore company?

Okey na ang halaga ng kontrata. May konting tawaran pero ibinigay pa rin ang terms ng manager ni Guy. Pumayag ang drugstore company at ibibigay ito ng kompanya. Pero totoo ba ang balita na gusto agad-agad ng manager niya na humingi ng 50% downpayment sa multi-million contract nila gayong naka-schedule ang contract signing late July pa kasabay ng pagbibigay ng DP.

ADVERTISING

I just don’t know kung matutuloy ang deal na ito na balita ng nagkuwento sa amin, siya mismo hindi rin nakasisiguro.

‘Pag nagkataon, sayang ang deal, lalo na ang kadatungan at lumipad na sa planetang Mercury ang ‘di sana’y endorsement ng aktres.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING