Nora Aunor, lumabas na ang bagong mukha!

ADVERTISING

Nora Aunor, lumabas na ang bagong mukha!Nora Aunor, lumabas na ang bagong mukha!Nakatakdang dumating ang one and only SUPERSTAR MS. NORA AUNOR ng ‘Pinas sa unang linggo ng Abril. Isang malaking celebration ito sa showbiz na naniniwalang may puwang pa rin ito sa mundo ng naghatid sa kanya sa tuktok ng tagumpay noon.

Mismong sina Comedy King Dolphy, Star for All Seasons Vilma Santos at Megastar Sharon Cuneta ang tuwang-tuwa sa balita. More than willing silang makita ang pagbabagong naganap sa mukha ng Superstar sa prosesong pinagdaanan nito sa Japan. Isang prosesong ginawa lamang sa loob ng isang araw (repeat, isang araw lamang), hindi tulad ng napabalitang isang buong linggo na nag-undergo siya ng major surgery, kaya’t naiba na ang kanyang mukha.

NORANG-NORA pa rin ang Superstar. Nilinis lang ang wrinkles sa kanyang mukha at presto, lumabas siya ng clinic at the end of the day, yes, with a new face tulad ng makikita ninyo sa pahinang ito.

Nagsanib ang IPIS, Inc.ni Madam Aster Amoyo at Shinagawa Clinic Group of Companies, ‘ika nga’y the best leading eye laser and aesthetic center in Japan na magdadala ng kanilang bagong technology sa ‘Pinas.

Limang taon na rin palang nawawala sa bansa ang Superstar. Ilang beses na niyang ibinalak na bumalik sa sariling bayan, pagkatapos makuha ang kanyang green card (sa tulong ni Michael Garfunkel). Nag-aalala lang siya sa magiging pagtanggap sa kanya ng ating mga kababayan. Pero nang makita niya ang sarili sa salamin, after the facial treatment, nagkaroon siya ng lakas ng loob na tuluyang umuwi.

ADVERTISING

Let’s face it, importante ang pagbabalik-‘Pinas ni Nora, dahil achievement-wise, no other star comes close to what she has achieved in Philippine movies. Ang kanyang classic movie, Himala, was cited by CNN as one of the 10 Best Asian Films of All-Time. Nakuha rin nito ang CNN Globe Film Award for Best Asia Pacific Film of All Time. Kailan lang, na-nominate siya bilang isa sa 10 Best Asian Actresses of the Green Globe Film Awards na kasama ang ilang acclaimed actresses across Asia, tulad nina Maggie Cheung at Gong Li. Siya lang po, si NORA AUNOR, ang kaisa-isang Filipino actress who made it to the elite list.

Gusto ring magpugay si Megastar Sharon Cuneta kay Nora Aunor. Magaganap ito, oras na makausap natin si Ms. Cathy Perez ng Sharon. Malalaman din natin kung kailan. Puwede rin kasing maging handog ito sa nag-iisang Superstar, dahil na-retain ng Sharon ang kanilang mataas na ratings, kahit nagpalit sila ng time slot. After Pilipinas Got Talent na po ito. Incidentally, guest din this coming Sunday ang ilan sa mga top performers ng mga comedy bars, tulad ng Library, Punchline at Music Box. Namumurong flashback ang magaganap, dahil sa mga maliit na bars na ito nagmula ang mga comedy stars na sikat na sikat ngayon. Sabi pa ni Ms. Cathy, it will be a whole fun episode with co-hosts Chokoleit and K Brosas.

BULL Chit!
by Chit Ramos

ADVERTISING