Nora Aunor, lalong nawawalan ng career dahil sa mga pekeng Noranian!

ADVERTISING

Nora Aunor, lalong nawawalan ng career dahil sa mga pekeng Noranian!

Nora Aunor, lalong nawawalan ng career dahil sa mga pekeng Noranian!OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Thanks God it’s Friday! At okay na ang panahon.

OMG! Habang binabaha ang Metro Manila, binabaha naman ako ng comments ng mga makikitid ang utak na Noranians. Hindi lahat sa write-up ko nu’ng Lunes sa sagutan main ni Pilar Mateo sa FB at tungkol sa kaplastikan ang napanood ko sa Ang Latest sa TV5.

Dati-rati, mortal enemy number 1 ni Lucy Fermin si Nora Aunor. Nga-yon, dahil siyempre parehas sila ng network, napilitang magbatian ang dalawa. Naloka ako sa kanila, at ito ang dahilan kung bakit ako nanggagalaiti sa inis.

Kasi noong ipinagtatanggol ko si Nora noong mga nakaraang araw sa mga banat ni Cristy laban sa kanya, wala akong naririnig na comment ng Noranians na ‘samalat at ipinagtanggol ni Tita Swarding si Nora’. Ngayon, nag-comment ako na fake ang kanilang pagbabati.

ADVERTISING

Mas mabuti pa kung kay Charo Santos-Concio siya nakipagbati at may magandang kahihinatnan pa siya. Pero kaloka, as in, mabubuwang ka talaga sa Earth! Kasi si Nora pa ang nagpakumbaba at pinuntahan pa sa dressing room para batiin ang Lucy Fermin na ‘yan! Nasaan na ang Superstar image niya?

Kahit ako na isang Noranian, maiinis, lalo na’t isa itong dahilan kung bakit galit ako kay Lucy Fermin. Tao lang po ako na marunong masaktan. Alam ng lahat, lalo na ng original Noranians na lagi kong ipinagtatanggol si Nora. Pero this time, teka, mali yata. Parang nakaaasiwang gagawin ko ang magbingi-bingihan.

Ang sabi pa ng mga Noranian, wala raw kaming urbanidad, na ang gusto raw namin ni Pilar Mateo, kami ang batiin. Hindi naman ako galit kay Nora, kundi sa mga Noranian na mali ang mga ibinibintang na kaya raw ako nagkakaganito, kasi wala na akong nakukuhang pera kay Nora. Ang tanong: kailan at saan ako nagkapera kay Nora?

Ako raw ay spy ni Vilma Santos at bayaran, buwaya, hindi naman daw nila ako kilala, akala raw nila patay na ako, pekeng bakla na guso lang pagkaperahan si Nora.

Tulad ni Kuya Germs, para sa akin, tama naman at walang mali sa sinabi ni Kuya Germs tungkol kay Nora. Ngayon, pati kay Kuya Germs, galit sila. Ano ‘yan?

Dapat ba nating santuhin si Nora na hindi na dapat pagsabihan ng ikabubuti niya? Kasi alam nating lugmok na siya. May nakarating pa nga sa aking tsismis na kaya raw hindi nagpa-opera si Nora sa lalamuna niya, kasi ang perang ibinigay ng TV5 ay pinatalo raw niya sa casino sa Las Vegas. Kaya pagbalik niya dito, nganga.

Nagyon, ano na naman kaya ang masasabi ng mga naggagaling-galingang Noranians? Tinatanong n’yo ako kung ano ang nangyayari sa akin kung bakit ako nagkakaganito? Sino ba ang unang kumanti, kayo ‘di ba? Ano ang sabi n’yo sa akin? Baklang pangit na dati puring-puri si Nora, ngayon hindi na kasi walang mautangan.

My God! Magtanong kayo sa kahit sinong artistang pinagkakautangan ko, taas-noo ako na sa 45 years ko sa showbiz industry, wala akong atraso kahit kanino. Hindi tulad ng sinasamba n’yo ngayon na si Lucy Fermin na hanggang ngayon, maraming kaso.

Taas-noo akong haharap sa inyo na napalaki ko ang aking mga anak sa dugo at pawis ko. Sana, hindi n’yo isinama ang mga anak ko na sinasabi ninyong pinapakain ko ng panghuhuthot sa mga artista. Please, iharap n’yo sa akin ang artistang sinasabi n’yo. Tama na, sobra na! Sunud-sunuran na lang lagi ako sa inyo. At ‘wag n’yo akong pipigilan dahil trabaho ko ito, walang personalan.

Sana, matauhan na kayong mga fake na Noranians. Kasi lalong nawawalan ng career ang lola n’yo. Mga selfish kayo. Ang tanong: alam ba ni Nora ang mga pinagagagawa n’yo? ‘Yun lang!

 

PITIK-BULAG: Sino itong bagets actor na kung umasta, napakalaki ng sa kanya? Sayang, guwapo nga, pero wala namang nagtatagal na girlfriend. Kasi nga, pinagsasawaan agad dahil dyutay, as in, maliit na halos walang makapa.

Minsan, may GRO raw itong nakatikiman. Iniwan daw ito kasi walang nalasahan ang GRO. Hehehe!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING