Nora Aunor, kaliwa’t kanan na naman ang natatanggap na parangal

Nora Aunor, kaliwa’t kanan na naman ang natatanggap na parangal

1 Nora-AunorWAGI NA naman ang nag-iisang superstar sa St. Tropez IFF sa kategoryang Best Actress in a Foreign Language Film sa movie niyang Dementia. Win din ang direktor na si Percy Intalan bilang direktor nito. Sa totoo lang, wala na yatang patid ang pagtanggap ng awards ni Nora Aunor. Ang apat na huling movie niyang nagawa ay talaga namang hindi magkamayaw sa pagbibigay ng papuri.

Nakaamba na rin ang pagtanggap niya sa Cannes Film Festival under naman kay Direk Brillante Mendoza sa movie naman niyang Taklub.

Ang sabi nga ng malapit na kaibigan ni Ate Guy, “Kung ang mga natatanggap na awards ni Nora ay may kalakip na milyones, sigurado akong sobrang yaman niya. Isa na siguro siya sa pinakamayamang aktres dito sa Pilipinas.”

Mukhang tama nga si Matet de Leon na patuloy ang pagadami ng tropeo ng kanyang ina. Na mahihirapan na naman siyang mag-ayos ng trophy. Sa paglilinis nga ng trophy ang problema niya. Hahaha!

Wish lang namin na sana mas mapili na ang superstar sa paggawa ng movie, dahil nga kakaiba na ang level niya bilang actress. ‘Yun na…

 

BONGGA NAMAN pala ang Mr. and Ms. Olive C Campus Model Search, dahil nga nasaksihan namin ang kanilang press presentation sa SM City, Taytay at nakita namin na marami o halos karamihan ay may ‘K’ as in karapatan.

Take note, national search ang Mr. and Ms. Olive C. Kaya masasabing prestigious dahil nga nakalimang taon na sila.

Ang huling winners nga nila ay sina Ashley Ortega na nasa GMA 7 na at si Ryan Paul Artienda na nakikilala nang ramp at print ad model.

Isang maipagmamalaki ng said pageant ay kailangan ay nag-aaral sa kasulukuyan ang mga candidates, walang out of school youth.

Mapapanood ang Grand Coronation Night sa May 23, 5 pm sa Skydome, SM City North Edsa, Quezon City.

 

SA MAY 22, apat na tulog na lang at “Vice Gandang Ganda Sa Sarili, sa Araneta, E ‘Di Wow” na.

Kaya naman, makikita o masisilip kaya kung sino ba ang number one na lalaki sa puso ni Vice Ganda na manonood sa kanyang concert? Modelo, male pageant winner, basketball player, artista, o estudyante?

Sa true, lahat naman ay aabangan ang bawat labas niya sa stage na pinag-isipan ang lahat. Kakaiba nga raw ito sa mga nagdaang concert niya.

Abangan din ang numbert nina Vhong Navarro, Billy Crawford, at James Reid. At maraming surprises. ‘Yun na!

 

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!