Nora Aunor, kabado ‘pag walang nakalinyang proyekto

ADVERTISING

Nora Aunor, kabado ‘pag walang nakalinyang proyekto

Nora-AunorNAGPAPAKATOTOO LANG naman si Nora Aunor, na ngayong nasa bakuran na siya ng GMA 7 at kasama sa teleseryeng Little Nanay ay tuwang-tuwa siya at sobra ang kanyang pasasalamat. Iniintriga kasi na masyado raw OA kung magpasalamat at magsaya ang Superstar. Pero kung tuuusin, natural na ugali na ni Ate Guy ang sobrang matuwa sa tuwing magkakaroon siya ng trabaho na hindi niya inaasahan na mapupunta sa kanya.

Natapos ang kontrata ni Nora sa TV5, at kahit na anong naging resulta ng pananatili niya noon sa Singko, hindi nawawala ang kanyang pasasalamat, na isa iyon sa naging malaking dahilan ng kanyang pagbabalik sa Pilipinas. Kahit napakalaking artista ni Ate Guy, aminado siyang kinakabahan siya kapag wala siyang alam na susunod na project na gagawin at pagkakakitaan. Doon dumating ang offer ng Kapuso network, kaya sa sobrang kababawan ng tuwa ng Mommy ni Ian de Leon ay hindi halos matapos ang kanyang pasasalamat.

Happy ngayon si Nora sa magandang takbo ng kanyang career, dahil sobrang busy na naman siya. Halos wala na siyang pahinga. Nagpapakatotoo lang din at nagpapasalamat si Ate Guy na kung ikukumpara ang mga fans ngayon sa mga fans noon, kakaiba talaga at hindi niya mapaniwalaan na makukuha niya ang kakaibang suporta ng mga tagahanga na sa pagiging solid ng pagsuporta sa kanya, tumagal nang mahigit limang dekada ang kanyang kasikatan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING