Nora Aunor, inetsa-puwera sa MMFF

Nora Aunor, inetsa-puwera sa MMFF

Nora-AunorOBSERBASYON NG isang showbiz veteran, papangit daw nang papangit ang mga kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival. Over the weekend, inanunsiyo na ang mga pelikulang which made it to the list of official entries this year.

“Parang tinatamad na yata ang mga producer na sumali,” says the observer who notes na kung in the previous years ay higit sa isa ang isinasali ng Regal Entertainment ni Mother Lily, this time ay lone entry na lang.

“Every year, nagiging commercial na lang ang mga entries. Masyadong revenue-oriented na ang festival, ‘di tulad nu’ng araw na kapag sinabing kasali sa festival, expect it to be a quality movie,” dagdag nito.

Bad news para sa mga Noranian, ang inaasahan sanang filmfest entry ng Superstar na Kabisera is not among the eight entries. Ang mga nakapasok ay mga pelikula nina Vic Sotto-Ai-Ai de las Alas, Herbert Bautista-Kris Aquino, Vice Ganda-Coco Martin, among others.

A TV writer cracks a witty joke, “Sana nagsama na lang sina Nora at Bossing Vic sa pelikula.”

Ang pamagat: Kabisera at Kabisote.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III